Magdiwang, mga Hanabi mains! 

Naglabas ang Mobile Legends: Bang Bang ng trailer para sa Field Op Hanabi, isang mas mura na alternatibo para sa V.E.N.O.M. Nephila kung ikaw ay mahilig sa futuristic at cyberpunk-themed skins! 

Itsura ng Field Op Hanabi skin 

Para sa skin na ito, may suot na black at white na coat si Hanabi na mayroong utility belt, para mukha siyang isang badass spy mula sa kinabukasan.

Pink din ang kaniyang buhok at mayroon din siyang pink na mata, na nangingibabaw sa kaniyang monochromatic na outfit.

Ang mga animated na abilidad ng Field Op Hanabi 

Isang special skin ang Field Op Hanabi, at ang ibig sabihin nito ay ang mga abilidad niya ay na-upgrade visually. 

Hawak-hawak ang technologically-advanced na massive shuriken, ang basic attacks ni Hanabi ay magiiwan ng pink glitch trail na mas astig tignan kabang active ang Ninjutsu: Petal Barrage.

Para sa kaniyang ultimate, ang Forbidden Jutsu: Higanbana, nagiging isang cybernetic Higanbana siya kapag natitira niya ang kaniyang mga kalaban. Mas nakakabighani ito kapag nakatira siya ng isa pang hero at magiging isang panibaong Higanbana.

Screenshot ni Julian Elona/ONE Esports