Ang mga Mobile Legends: Bang Bang fans ay may aabangan sa mga susunod na buwan dahil inanunsyo na ng Moontoon na magbabalik ang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC) ngayong taon.

12 na Southeast Asian teams galing sa Singapore, Philippines, Indonesia, Malaysia, Thailand, Vietnam, Cambodia, at Laos ang maglalaban-laban sa big stage para magkaalaman kung sino nga ba ang may pinakamagaling na MLBB team sa rehiyon.

Ang tournament ay nagmamalaki ng tumataginting na US$150,000 prize pool at magaganap online dahil sa mga limitasyon dulot ng COVID-19 at para na rin sa player safety.

Gaganapin ang tournament sa Hunyo 7 hanggang 13. Ang unang dalawang group stages ay gaganapin sa Hunyo 7-9. Matapos ang dalawang araw na break, magsisimula ang playoffs sa Hunyo 11-13.

Ang iba pang detalye tulad ng mga participating teams at bracket format ay hindi pa inanunsyo. Ngunit naglabas na ang Moontoon ng website para sa mga susunod na updates.

Maliban sa isang in-game event na kasabay ng tournament, nagtukso na rin ng isang bagong time-limited skin ang Montoon na magiging available lamang sa Mayo 29 hanggang Hunyo 13.

Isang surpresa ang announcement na ito dahil ang MSC sa nakaraang taon ay na-postpone dahil sa COVID-19 pandemic at pinalitan ng Mobile Legends Pro League Invitational 4 Nation Cup na ang Singapore, Indonesia, Malaysia, at Myanmar lang ang mga lumahok.