Nagtagpo ang mahika at teknolohiya sa Land of Dawn sa anyo ni Cosmic Voyage Eudora.  

Ibinunyag ng Moonton ng Starlight skin ngayong Oktubre, si Cosmic Voyage Eudora. Katulad ng futuristic na tema ng kasalukuyang Starlight skin na si Space Mech Atlas, nakita sa bagong Starlight na ‘to ang mage hero bilang caster sa isang mas maunlad na mundo.  

Ito ang pang-anim na skin ni Eudora sa laro matapos ang labas ng Flame Red Lips, Christmas Carnival, Emerald Enchantress, Vivo Selfie Goddess, at Countess Scarlet. Sa kabila ng pagiging Starlight skin lamang, ang mga bagong skill effects ng Cosmic Voyage Eudora ay nakakamamangha na tinalo nito ang kaniyang nagiisang Epic skin, ang Emerald Enchantress.  

Cosmic Voyage Eudora preview at skill effects 

MLBB Cosmic Voyage Eudora
Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Nakakabighani at nakakatakot si Eudora sa kaniyang bagong look. Blonde na ang kaniyang buhok sa halip ng kaniyang metallic white hair na naging default niya. Para naman sa outfit niya, nakasuot siya ng isang putting futuristic robe at sa ilalim nito ay isang solid na itim na bodysuit. 

Ngayon isang purple lightning na ang lumalabas sa kaniyang kanan na kamay sa tuwing cinacast niya ang Forked Lightning. Naglalabas rin siya ng isang bola ng purple energy sa Ball Lightning.  

Para sa kaniyang ultimate, ang Thunder’s Wrath, naglalabas siya ng drone na lumilipad sa ibabaw ng kaniyang target para tirahin ng isang nakakabinging purple lightning nang maraming beses.  

Ang mga dating Starlight skins – Street Blow Benedetta, Snake Eye Commander Moskov, Simian Curse Sun at Kaminari Kaja – ay magiging available kung hindi mo nagustuhan ang bagong skin ni Eudora.  

Makakatanggap din ng isang painted skin ng Impish Trickster Lolita, isang eksklusibong Eudora emote, at isang Karina sacred statue ang mga Starlight members.  

Magiging available si Cosmic Voyage Eudora mula October 1 hanggang 31.  

Sundan ang ONE Esports sa Facebook para sa karagdagang balita, updates, at gabay tungkol sa Mobile Legends.