Nagtukso ng retirement sa competitive Mobile Legends: Bang Bang ang beterano ng Alter Ego na si Julian “LeoMurphy” Murphy pag natapos na ang MPL ID Season 8.

Sinabi ni LeoMurphy na naging parte ng Alter Ego simula season 3 sa kaniyang livestream na may iba pa siyang plano para sa kaniyang MLBB career.

“After this season, I want to pursue a streaming career,” inanunsyo niya. 

Ang kaso ni LeoMurphy at ang trend ng pagpahinga ng mga pro players 

Ang pag-retire o pagpahinga ng mga Indonesian pro players ay nagiging uso na.

Ang mga players tulad ni Xinnn ng RRQ Hoshi at sina Wann at Luminaire ng EVOS Legends ay iilan lang sa mga malalaking pangalan na nagdesisyong magpahinga nang walang sinasabi kung kelan sila babalik.

Paano maapektuhan ang Alter Ego sa pagalis ni LeoMurphy? 

Isang tahimik na contributor si LeoMurphy sa Alter Ego. Kahit hindi siya ganoon ka-marangya kung ikukumpara kela Ahmad o Celiboy, ang kaniyang pagka-agresibo at ang kaniyang game IQ ay ginawang isang malaking threat ang Alter Ego sa Indonesian MLBB scene.

Nakita natin siyang magpakitang gilas sa ONE Esports MPL Invitational, matapos niya dalhin ang Alter Ego sa kanilang pinakaunang championship laban sa powerhouse na RRQ Hosi sa grand final.

Credit: ONE Esports at MPL

Kung siya man ay magiging isang full-time streamer o hindi, kailangan bumalik sa drawing board ng Alter Ego kung sakaling aalis na si LeoMurphy.