Matindi ang ipinakita ng ONIC Philippines laban sa Execration sa Week 4 ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League PH Season 7, salamat sa giting ng rookie na si Marky “Markyyyyy” Capacio.
Ito ang unang beses na naglaro sa MPL PH si Markyyyyy, na nag-sub kay Christian “Iy4knu” Manaog sa non-Turtle lane.
Kahit na unang pro game nya pa lang, kalmado at mahinahon si Markyyyyy. Sa game three, nakuha nya ang MVP dahil sa kanyang nakakabilib na 5/0/3 performance.
Sa ikatlong game, ni-lock ni Markyyyyy si Harith laban sa matibay na lineup ng Execration na Paquito, Chou, at Ling.
Mabagal ang takbo ng laro para sa dalawang teams, pero nakakuha si Markyyyyy ng magandang bwelo pagpitik ng 22-minute mark, na nakatulong sa ONIC PH na makuha ang panalo dahil sa kanyang nakakabaliw na damage output.
Kapansin-pansin din ang unang game ni Markyyyyy, na nagtapos sa 2/1/7 KDA gamit si Chang’e.
Tuloy-tuloy ang panalo ng ONIC PH. Pangatlong panalo na nila ‘to kaya’t meron silang 5-2 record at 12 points sa Group A. Tabla naman ang Execration at Nexplay sa record na 3-4 at 10 points.