Opisyal nang gugulong ang unang edisyon ng Mobile Legends: Bang Bang Developemental League Philippines (MDL PH Season 1) ngayong February 15.

Itatampok sa MDL PH Season 1 ang bakbakan ng sampung dekalibreng MLBB teams na binubuo ng mga developmental teams ng mga organisasyon sa MPL PH, katuwang ang ilang non-MPL teams na karga ang kasing-bangis na resume.

Sa ulo ng mga lalahok na koponan ang dekalibreng Gamelab at ZOL Esports na parehong naghari sa amature eksena sa taong 2022.

Credit: Gamelab

Noong nakaraang Disyembre lamang ay pinamangha ng Gamelab ang mga miron ng kalawitin nila ang tropeyo ng Top Clans 2022 Winter Invitational kung saan pinatumba nila ang matikas na Geek Fam ID. Ilang sandali matapos nito, inuwi naman nila ang kampeonato ng Kings League Season 1 para tapusing nagbabaga ang 2022.

Samantala, malaki rin ang inaasahan sa ZOL Esports sa gugulong na MDL PH Season 1. Matatandaan na tahanan na ngayon ng M2 World Champions na sina Carlito “Ribo” Ribo Jr. and Allan “Lusty” Castromayor Jr. ang team na dinala nila sa kampeonato ng GG Truck event, pati narin sa Grand Finals ng MP Tournament at Sneaky Team Tournament noong Oktubre at Nobyembre.

Credit: ZOL Esports

Liban sa dalawang non-MPL teams, babandera din sa developmental league ang Blacklist Academy, ECHO Proud, Omega Neos, ONIC Arsenals, NXPE Tiger Cubs, BREN x Euphoria Esports, TNC Neo at RSG Ignite.


Lahat ng teams na lalahok sa MDL PH Season 1

Credit: MDL PH
  • Gamelab
  • ZOL Esports
  • Blacklist Academy
  • ECHO Proud
  • Omega Neos
  • ONIC Arsenals
  • NXPE Tiger Cubs
  • BREN x Euphoria Esports
  • TNC Neo
  • RSG Ignite

Manatiling nakaantabay sa MDL PH sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: MPL PH S11 magsisimula sa February 17