Si Melissa, ang marksman hero na nagkokontrol ng puppet, ay nakatanggap sa wakas ng buff sa pagdating ng pinakabagong Mobile Legends: Bang Bang patch 1.7.08.
Bago ang patch na ito, sobrang bihira makita sa competitive scene man o ranked games ang Cursed Needle. Ang kanyang skill set kasi ay hindi kasing agresibo kumpara kila Clint at Beatrix na parehong kayang mang-burst down ng mga kalabang hero.
Sa kabila ng kanyang 56% win rate sa Mythic ranked games, isa pa rin siya sa least picked heroes na nasa 0.38% pick rate lang, ayon sa MLBB stats.
Sinabi ng developers na in-improve nila ang kontrol ni Melissa kay Muddles sa mga team fight samantalang ni-nerf naman ang harassing capability niya sa early game. Hindi man mukhang flashy, pero ang pagkakaroon ng mas mainam na kontrol sa kanyang puppets ay sapat na para gawing viable siya sa kasalukuyang meta.
Mga pagbabago kay Melissa sa MLBB patch 1.7.08

Skill 1 – Falling!
- In-adjust ang cooldown na dating 7s ngayon ay 8.5-7s na
- Pinataas ang cooldown reduction sa bawat atake kay Muddles, mula 1.2s CD reduction ay ginawang 1.5s
Skill 2 – Eyes on You!
- Adjusted na cooldown dating 1.5s (nagsisimula ang cooldown pagkatapos mawala ang mga Muddles) ngayon ay 7-6s (nagsisimula ang cooldown pagkatapos ng skill cast)
- Adjusted na Mana Cost na dating 75-0 ngayon ay 60-10 na
- Bagong Effect: Maagang mawawala si Muddles pag walang linked enemies
- Tinanggal: Nagsisimula ang cooldown sa pagkawala ni Muddles
- Bahagyang dinagdagan ang movement distance ni Muddles
Ultimate – Go Away!
- Dagdag na Defense Boost kapag active ang skill na dating 3 times ngayon ay 5 times na

Ang 2nd skill ni Melissa ay nagdi-deal ng damage sa linked targets hanggang 6 segundo. Sa kasalukuyang patch, maaari mo nang i-cast ang skill nang mas madalas dahil nagco-cooldown agad ito nang 6 hanggang 7 segundo pagkatapos i-cast, ‘di katulad dati na nagco-cooldown lang ito kapag nawala na si Muddles.
Ang maagang pag-alis ni Muddles kapag walang malapit na kalaban ay nangangahulugan na pwede mo nang i-spam ang Eyes on You! nang mas madalas, lalo na sa laning phase kung saan siya pinakamalakas. Nabubuhay siya sa early hanggang mid game dahil sa kanyang spammable skills.
Nakatanggap din siya ng maliit ngunit malakas ang impact na buffs sa kanyang 1st skill at ultimate. Ang pag-atake kay Muddles ay pinapabilis na ngayon ang cooldown ng kanyang 1st skill. Nakakakuha rin siya nang mas maraming physical damage at magic defense kapag ina-activate ang kanyang ultimate na Go Away!
Bagamat ang mga pagbabagong ito ay hindi pa sapat pa gawin siyang S-tier marksman hero, siguradong mararamdaman ng Melissa mains ang improvement sa lahat ng kanyang skills.
Para sa MLBB news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng akda ni Jules Elona ng ONE Esports.