Isa ang analyst na si Neil “Midnight” De Guzman sa pinakamainit na pangalan sa mundo ng Pinoy MLBB ngayon.
Bukod sa signature getup niya kasama ang kaniyang neck pillow, kilala rin ang analyst sa kaniyang nakamamanghang abilidad na hulaan ang mga hero picks ng mga teams sa pro gameplay. Higit sa lahat, tanyag si Midnight sa tapang niyang magbigay ng maaanghang na komentaryo tungkol sa mga kupunan at personalidad sa eksena.
Hindi kataka-taka na maraming kupunan sa MPL PH ang nagtangkang kuhanin ang kaniyang serbisyo. At sa pagpasok niya bilang pinakabagong analyst ng NXP EVOS, kritikal ang gagampanan ng esports personality sa arangkada ng matunog na team.
Next play ni Midnight ang umanib sa Nexplay

Matapos gawing opisyal ng EVOS NXP ang pagsapi ni Midnight sa kanilang kupunan nitong Miyerkules lamang, inamin ng analyst na marami ring kupunan ang sumubok na arkilahin siya. Gayunpaman, naging malakas ang hatak ng Nexplay dahil sa iisa nilang paniniwala at prinsipyo.
“There were other names that wanted to work with me and approached me before hand. Fate just decided that NXP was the next home for the “neck pillow,” ani ng esports personality sa isang panayam kasama ang ONE Esports Philippines.
“I’ve worked with Haze before in SGD and we had a system in place back then. I’m planning on putting that same structure with NXP and the management believed in it. It was a mutual ground between the management and my core belief as to how I want to train a team.”
Ang relasyon niya kasama ang bago niyang kupunan

Dahil sa dalang anghang ng kaniyang mga komentaryo tungkol sa mga teams at pro players, maraming fans ang nagtataka kung paano mapapanatili ni Midnight ang maayos na relasyon kasama ang bago niyang kupunan.
Nagtapat ang analyst na malapit na siya sa ibang mga miyembro ng grupo at umaasa siyang mas magiging solido ang relasyon niya sa iba pang mga player sa pagpapatuloy ng Season 8.
“With regards to the players I’ve handle, I’m pretty sure we already are comfortable with each other and can banter back and forth,” banggit ng NXP EVOS analyst.
“Regardless what social media is telling you, there’s a whole lot more when it comes to the personal level of the relationship. Overall, everyone is good with each other and we all are happy to be working and playing against each and everyone else.”
Ano ang maasahan ng fans sa NXP EVOS sa paparating na season

Sa katanungan tungkol sa aasahan ng mga miron sa kupunan sa paparating MPL PH Season 8, maprinsipyo ang naging sagot ni Midnight. “I don’t really like expectations. When I am part of a pro team, I set goals. Realistic ones. Expectations put pressure on players, unnecessary pressure that they cannot carry.”
Sabi ng dating caster, nakaka-pressure na ang paglahok sa MPL at hindi makakatulong ang pagkakaroon ng karagdagang bigat na ito.
“I allow them to grow, that’s why goals are much better. We grow during the season and we grow from the mistakes. We do our best to be prepared but always look forward in growing.”
Mababago ba ni Midnight ang tadhana ng NXP EVOS sa paparating na MPL PH Season 8? Abangan sa pagbubukas ng MPL sa August 13.