Ang global ban system ay nakikita ng iba na maganda para sa pag-unlad ng Mobile Legends: Bang Bang competitive scene at kinokonsidera pa ngang gamitin sa MPL ID Season 10.
Sa sistemang ito, ang bawat koponan ay maaari lamang gumamit ng hero nang isang beses sa isang serye, maliban sa huling laro ng isang best-of-7 series. Nangangahulugan ito na ang mga hero na ginamit na ng isang team ay hindi na nila pwedeng piliin sa ibang laro ng isang series, pero pwede pa ring i-pick ng kabilang team kung hindi pa nila napipili ang mga ito.
Matagal-tagal na ring hinihintay ito ng ilang players at fans sa MLBB esports scene dahil marami-rami na rin ang heroes sa laro at para hindi paulit-ulit ang nakikita sa mga laban.

Sa katunayan, naipatupad na ito sa MLBB Development League (MDL) Indonesia Season 6 play-in. At maaaring senyales ito na may posibilidad na dalhin ang patakaran sa MPL ID Season 10.
Bagamat marami ang sumusuporta, marami rin ang ‘di sang-ayon sa paggamit nito sa agarang panahon, partikular na sa paparating na MPL ID Season 10. Kabilang sa mga ito ang mga kilalang MPL ID caster na sina Frederick “Mirko” Handy Loho at Moch Ryan “KB” Batistuta.
Ang pananaw nila Mirko at KB sa paggamit ng global ban system sa MPL ID Season 10

Inilahad ni Mirko na hindi siya sang-ayon sa pagpapatupad ng global ban system sa MPL ID Season 10 at sa MPL mismo sa kabuuan. Aniya, mawawalan ng saysay ang meta at mga stratehiya na bubuuin ng mga koponan.
“Menurut pandangan saya, mereka (Moonton) tidak perlu menerapkan global ban di MPL karena ini akan berlangsung sepanjang musim. Global ban itu keren, tetapi saya tidak menyukainya, setidaknya untuk saat ini. Di kasta tertinggi, membaca META adalah sebuah skill tersendiri, dan itulah mengapa beberapa tim menjadi dominan saat ini,” wika ni Mirko.
(Sa aking pananaw, hindi kailangan ng Moonton na ipatupad ang global ban system as MPL dahil magtatagal ito nang buong season. Cool ang global ban pero hindi ko ‘to gusto, at least sa ngayon. Sa pinakamataas na antas ng MLBB pro, ang pagbabasa ng meta ay isa nang kakayahan kaya nga may mga koponan na dominante ngayon.)
“Jika mereka menerapkan global ban, hal ini akan mengurangi level kompetitif dan semua strategi dan segala sesuatu yang telah dipersiapkan akan menjadi sangat random. META seolah-olah menjadi tidak berarti lagi,” dagdag niya.
(Kung gagamitin nila ito, babawasan nito ang competitive level at lahat ng mga stratehiya at paghahanda ng mga koponan ay magiging random. Mawawalan ng saysay ang meta.)
Para naman kay KB, kung ipapatupad ang sistema sa MPL ID Season 10 ay dapat itong isalang sa lahat ng MPL regions.
“Jujur saya masih belum setuju untuk saat ini. Karena jika MPL mau menerapkan sistem global ban, saya tidak setuju jika hanya di Indonesia saja. Kalau mau di terapkan di semua negara yang punya MPL biar kecipratan sistem Global Ban,” saad ni KB.
(‘Di ako sang-ayon sa ngayon. Kasi kung gusto ng MPL na ipatupad ang global ban, ‘di ako sang-ayon kung sa Indonesia lang. Dapat gawin ito sa lahat ng bansa na may MPL.)
“Kalau sudah diterapkan di semua MPL, silahkan gunakan Global Ban, asalkan sosialisasinya sudah disamaratakan di semua MPL. Takutnya nanti MPL Indonesia menggunakan Global Ban, tetapi ketika M4 menggunakan sistem yang biasa. Bakal sayang banget.”
(Kapag ipinatupad ito, dapat pantay-pantay lahat. Ang kinakatakot kasi ay baka mamaya gamitin ito as MPL Indonesia pero hindi pala gagamitin sa M4. Nakakahiya ‘yon.)
Kaabang-abang kung anong hakbang ang gagawin ng Moonton patungkol sa global ban system at kung gagawin nga ito sa MPL ID Season 10. Siyempre, nais nilang gawin pang mas exciting at kapana-panabik ang MLBB competitive scene nang hindi sinasakripisyo ang paghahanda ng mga manlalaro at mga koponan.
Para sa MLBB news, guides at highlights, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito’y pagsasalin ng akda mula sa ONE Esports Indonesia.