Sa kanilang match laban sa Geek Fam ID sa Week 3 ng MPL ID S9 nitong Linggo, marami ang napabilib ni ONIC CW sa kanyang Miya na tumulong sa kanyang team na makuha ang panalo sa score na 2-0.

Nakakagulat ang Miya pick na ginawa ni CW, lalo na’t naging kontrobersyal ang Marksman hero dahil nauna itong ginamit ni RRQ Lemon sa kanilang El Clasico match laban sa EVOS Legends.

MLBB Moon Goddess Miya
Credit: Moonton

Sa El Clasico match, pinili ng RRQ Hoshi si Miya para gamitin ni Lemon. Marahil ay nagulat ang iba, ngunit madalas na ginagamit ni Lemon ang hero na ito sa kanyang live stream.

Ngunit pagdating sa match, nabigong makatulong si Lemon sa RRQ Hoshi matapos makakuha ng KDA na 1/5/4. Bukod pa dito ay ang kontrobersyal na initiation na ginawa niya sa mid lane na tila nagbigay daan upang makuha ng EVOS Legends ang 2-1 na panalo.

Kabaligtaran naman ito ng nagawa ni CW na epektibong nagamit ang hero. Nagkaroon sya ng KDA na 7/3/6 at naging kauna-unahang player na nakakuha ng Savage sa MPL ID S9.

Team composition ang pinagkaiba sa paggamit ng Miya nina CW at Lemon

Mobile Legends CW Sanz ONIC Esports
Credit: MPL ID

Pagkatapos ng match ay nagkaroon ng pagkakataon ang ONE Esports na tanungin si CW tungkol sa pagkakaiba ng Miya nya at ni Lemon. Nabanggit ng player mula sa North Sumatra ang hero composition ng ONIC Esports at RRQ Hoshi.

“Yesterday, it might be because RRQ Hoshi didn’t have a roamer. No one tanks for his Miya. So Lemon is left alone to create his own opportunity,” sabi ni CW sa ONE Esports.

“I had Kiboy and Samoht who could set up for me. Lemon doesn’t have anyone. That’s the difference,” sabi niya.

Sa ikalawang game laban sa Geek Fam ID, gumamit ang ONIC Esports ng 2 roamer meta, kung saan gumamit ng Minotaur si Kiboy habang Chou naman kay Samoht.

Bukod pa dito ay may Uranus din ang ONIC Esports na gamit ni Buts sa EXP lane, kung kaya’t napaka-tanky ng frontline nila. Dahil dito, naging responsibilidad nina CW at Sir ft Lans ang magiong damage dealers ng team.

Nang ginamit ni Lemon si Miya, pinili ng RRQ Hoshi na maging roamer si Natalia at umasa sa kanilang Chou tank na maging frontliner.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.