Oras ng magpakitang gilas ng Mobile Legends: Bang Bang players mula sa United States at Canada!

Inanunsyo ng organisasyon ang pagbubukas ng Mobile Legends: Bang Bang World Championship North American Qualifier ngayong Setyembre, na katatampukan ng isa sa mga pinakamalalaking pangalan sa mundo ng Esports na si Jake “SirActionSlacks” Kanner bilang host nito.


MLBB North American Qualifer schedule, petsa at prize pool

Credit: Moonton

Pormal na inanunsyo ng Moonton ang MLBB North American qualifier na lalahukan ng pinakamagagaling na teams mula sa United States at Canada. Paghahatian ng mga mananalo ang US$6,500 ngayong September 12, 13, 18 at 19.

Bukod sa cash prize, magiging kinatawan din ng North America ang mananalong team sa presitihiyosong M3 World Championship sa huling bahagi ng taon. 

Ayon kay Nicholas Chang na siyang North American Esports manager ng Moonton, isang karangalan ang pag-hohost ng malaking MLBB torneyong ito kasama ang Estars.

“With Mobile Legends: Bang Bang becoming one of the most-watched esports titles in the world, we have seen an incredible increase of players at a global level, including North America,” banggit niya sa isang sulat.


Kabibidahan ni SirActionSlacks at iba pang talents ang MLBB North American Qualifier

Bukod kay SirActionSlacks, katatampukan din nina MLBB content creator David “Assassin Dave” Mao at esports caster Austin “Capitalist” Walsh ang MLBB North American Qualifier.

Kilala si SirActionSlacks bilang isa sa pinakabantog na persona sa esports eksena sa North America, partikular na sa Dota 2. Bukod sa kaniyang casting at hosting career, manager din siya ng Arkosh Gaming, isa sa mga Dota 2 pro teams sa rehiyon.

Antabayanan ang mga updates tungkol sa MLBB North American Qualifier sa pamamagitan ng pag-follow sa Facebook page ng ONE Esports Philippines!

Pagsalin ito sa sulat ni Jules Elona: SirActionSlacks to host MLBB’s prestigious North American Qualifier