Karamihan sa mga high ranking players ay nagtatanong: Paano ako maging isang MLBB pro?

Bagamat hindi ito madali, ibinunyag ng head coach ng EVOS SG na si Daryl “EVOS Youngin” Ng ang mga tips kung paano ka maging isang professional Mobile Legends: Bang Bang player.

Ano ang kailangan mo para maging isang pro player sa MLBB, ayon kay EVOS Youngin

MLBB
Credit: Moonton, ONE Esports

Sa isang Ask Me Anything (AMA) thread sa Reddit, sinagot nina EVOS Youngin at ang beteranong si Stefan “Soul” Chong Ru Chyi ang mga tanong tulad ng kung sino ang best hero sa kasalukuyang Mobile Legends: Bang Bang meta at ang kanilang performance sa MPL SG Season 2.

Tapos may nagtanong na isang user kung paano maging MLBB pro. 

Ayon kay Youngin, may tatlong haligi kung paano ka makikilala sa professional scene at makapag-train kasama ang mga pros.

“Be good enough mechanically first with a good attitude. Play or make friends with other professionals, [then] you will most likely be asked to trial if there is a slot,” sabi niya.

Ang mga trial ang tinutukoy na open tryouts na inaayos ng mga team kung kailang may bakanteng slot sa off-season.

Karagdagang tips mula kay EVOS Soul kung paano maging isang MLBB pro 

MLBB
Credit: EVOS SG

Maliban sa pagsagot ng mga tanong kung paano maging isang MLBB pro, nakwento din ni Youngin at Soul ang kanilang personal experience sa Mobile Legends: Bang Bang professional scene.

Sa isang tanong, ibinahagi ni Soul ang mga tips kung paano ma-scout ng isang professional team sa Singapore at kung ano ang proseso ng EVOS SG sa paghahanap ng potensyal na talents.

“At a certain MMR (varying from time left in the season), over at our servers, we are frequently matched up with the professional players in ranked games,” sabi ni Soul. “We often look for players that have reached this stage.”

Hindi rin ma-rerekomenda ni Youngin ang pag-sacrifice ng pagaaral mo para sa gaming.

“I do know of other Singaporeans who also dropped out to pursue gaming as well, [I] definitely don’t recommend,” payo ni Youngin.