Lumabas na ang pinakamalakas na roamer hero sa Mobile Legends: Bang Bang. Makikita ito sa laban sa pagitan ng EVOS at AURA Fire sa semifinals ng IESF 2022 national selection tournament.

Interesante ang laban na ito dahil tumaas ang tyansa ng Bigetron Alpha na makuha ang national slot para sa IESF 2022. Kung pagbabasehan ang resulta ng nagdaang MPL ID S10, ang Aura Fire ang pinakamalakas sa tatlong teams dahil sa kanilang placing sa nagdaang MPL ID season.



Gayunpaman, pinatunayan ng EVOS na malaki na ang pinagbago ng kanilang team. Sa kabila ng pagkatalo sa MPLI 2022 at Piala Presiden Esports 2022, binigyan nina Jabran “Branz” Wiloko at ng kanyang team ng magandang laban ang Bren Esports at RRQ Hoshi.

Sa kanilang pagharap sa Aura Fire, ipinakita ng EVOS ang kanilang mga natutunan mula sa kanilang pagkabigo. Bagama’t natalo sa unang game, humataw naman ang White Tiger team sa ikalawa at ikatlong games.

Pinakamalakas na MLBB roamer hero ipinakita ng EVOS

Makikitang malaki ang ipinagbago ng chemistry, gameplay pattern, at disiplina ng EVOS. Ngunit kung meron mang isang nakakagulat na bagay ay ang paggamit nila sa pinakamalakas na roamer hero sa game.

Ang roamer hero na ito ang naging susi ng tagumpay at mahusay na laro ng EVOS, at ang hero ay walang iba kundi si Kaja.

strongest MLBB roamer hero Kaja
Credit: Moonton

Napakahusay ng paggamit ni Rachmad “DreamS” Wahyudi ng Kaja. Matapos makatanggap ng buff sa nakaraang patch ay talaga namang malaki ang inilakas ni Kaja bilang roamer, bukod sa regen na nakukuha niya mula sa first skill na Ring of Order ay may potesyal pang mapahina nito ang damage ng kalaban kapag tumama ang lahat ng kanyang skills.

Bukod sa kakayahan niyang dumukot ng kalaban, pwede nang pumronta sa kalaban si Kaja dahil sa kanyang kunat.

Sa pagtaas ng level ng Ring of Order ay mas lumalakas din ang regen na ankukuha niya dito. Kung kaya’t hindi nakakagulat na Kaja ang naging pinakamahalagang hero sa pagkakapanalo ng EVOS laban sa Aura Fire.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.