Maraming inihandang pakulo ang Mobile Legends: Bang Bang para sa mga players sa kanilang paparating na Holloween event, ang Trickster’s Eve.

Bukod sa mga libreng skins ay recall effects, ilalabas din ng Moonton ang bagong assassin hero na si Aamon at ang bagong leghendary skin para kay Valir na Infernal Blaze.

Narito ang lahat nang kailangan mong malaman tungkol sa Trickster’s Eve at kung paano makakuha ng maraming rewards.


Aamon release sa Trickster’s Eve

MLBB Aamon
Credit: Moonton

Ang bagong hero na si Aamon ay lalabas sa October 26 sa kalagitnaan ng Trickster’s Eve event. Magkakaroon ng 30% discount apra sa mga bibili ng kasama nitong skin mula October 26 hanggang November 2.

Wala pang masyadong impormasyon tuingkol kay Aamon, kaya’t abangan ang kanyang official hero trailer.

Infernal Blaze Valir at iba pang Halloween skins

MLBB Tricksters Eve skins Straw Doll Cyclops Baratstein
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang bagong Infernal Blaze Valir ay magiging available sa October 16 sa Magic Wheel.

Ang mga bagong Halloween skins na Straw Doll Cyclops at Baratstein ay magiging available din sa event. Subalit tandaan na ang Straw Doll Cyclops ay magiging available lamang mula October 28 hanggang November 26.

Ang Hammer Giant Terizla, isang libreng skin noong nakaraang Halloween, ay magbabalik, at maaaring makuha ng libre sa pamamagitan ng pagsali sa Trickster’s Village event.

MLBB Tricksters Eve Nostalgia
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Isa pang Nostalgia event ang magaganap. Pumili ng skin na gusto mo at kumpletuhin ang mga tasks upoang makuha ito nang libre.

Ang mga Halloween skins ng mga nakaraang event ay magiging available din mula October 20 hanggang October 26.


Libreng Halloween rewards sa Trickster’s Eve

MLBB Tricksters Eve rewards
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Ang event ay magsisimula sa October at ang mga players na magla-login sa araw na iyon ay makakatanggap ng Moonstones at Pumpkin Surprise Box.

Ang mga Moonstones ay makukuha sa mga quests, habang ang Pumpkin Surprise Box naman ay mabibi sa shop gamit ang diamonds. Magbukas ng 10 Pumpkin Surprise Boxes para makakuha ng Halloween reward.

Ang mga Moonstones ay maaari ring ipalit sa mga Halloween rewards tulad ng emote, border, o spawn effect.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.