Sa wakas ay inihayag na din ng Mobile Legends: Bang Bang ang lahat ng dapat malaman tungkol sa MLBB x Transformers collaboration.

Bukod sa mga rewards tulad ng avatar borders at emotes, may tiyansang malaro ng mga MLBB fans ang kanilang paboritong robots mula sa Transformers franchise, tampok sina Optimus Prime, Bumblebee at Megatron.


MLBB x Transformers collaboration skins

Screenshot ni Jules Elona / ONE Esports

Bida sa pinakabagong pakulo ng Moonton ang tatlong heroes na magkakaroon ng sarili nilang Transfomer skins.

Astig ang magiging bagong Optimus Prime skin ni Johnson, at presko naman ang Bumblebee skin para kay X.Borg. Sa kabilang banda naman, si Granger ang makatatanggap ng swabeng Megatron look.

Nagsimula na ang first phase ng event noong August 14, at magtatapos naman ito sa August 21.

Sa mga araw na ito, kinakaolangang makuha ng mga players ang anim na spray parts para sa bawat Transfomer, na magagamit para ipagpalit sa bagong mga skins na ito. Ang drop rate para sa bawat Transformer sprays ay pareho lamang sa first phase.

Pagdako naman ng September hanggang November, magkakaroon ng karagdagang tatlong phases sa event kung saan may increased drop rate para sa bawat Transfomers spray part. Heto ang kumpletong schedule ng mga ito:

  • Second phase (August 31 to September 27) – increased drop rate para sa Bumblebee Spray
  • Third phase (September 28 to October 25) – increased drop rate para sa Megatron Spray
  • Fourth phase (October 26 to November 11) – increased drop rate para sa Optimus Prime Spray

MLBB x Transformers “Support Your Faction” event

Screenshot ni Jules Elona / ONE Esports

Mula August 24 hanggang September 12, magkakaroon ng pagkakataong mamili ang Mobile Legends players na pumanig sa pagitan ng Autobots o Decepticons.

Bilang reward sa pagpili ng panig, makakatanggap ang players ng mga rewards tulad ng emotes at avatar borders base sa paksyong pinili.


MLBB x Transformers web browser event

Screenshot ni Jules Elona / ONE Esports

Kasabay ng paglabas ng mga impormasyon tungkol sa MLBB x Transfomers event, inanunsyo din na magkakaroon ng web browser event kung saan magkakaroon ng tiyansa ang players na makuha ang limited epic skin na Tesla Maniac X.Borg

Para magawa ito, kinakailangang makumpleto ng players ang tasks na itinakda hanggang sa pagtatapos nito sa August 24.

I-check out ang official Facebook page ng Mobile Legends: Bang Bang para sa pinakahuling updates.

BASAHIN: E-girl Wanwan: Cute na cute ang pinakabagong MPL skin