Sa wakas ay magkakaroon na din ng anime series ang Mobile Legends: Bang Bang!

Pinamagatang “The Legends of Dawn: The Sacred Stone” ang pinakabagong animated series ba base sa mga karakter ng sikat na mobile multiplayer online battle arena (MOBA) ng Moonton.

Nakatakdang ilabas ang Mobile Legends anime series na ito sa huling bahagi ng taon, at siguradong maraming fans na ng laro ang hindi makapaghintay sa opisyal na release nito. 

Mga Mobile Legends anime characters

Credit: Moonton

Katatampukan ng anime na ito ang mga heroes sa MLBB at ang kanilang pakikipagsapalaran sa Imperial Capital para hanapin ang tinaguriang Sacred Stone.

Ibinunyag ng Moonton na sina Alucard at Fanny ang mga unang karakter na lalabas sa serye na iginuhit sa preskong three-dimensional (3D) art style, base sa inilabas na teaser photos para sa animation.

Release date ng Mobile Legends Anime

Credit: Moonton

Ayon sa organisasyon, masisimulan ng fans ang panonood ng Mobile Legends anime sa “Fall 2021” na tinatayang sa pagitan ng Setyembre o Disyembre ngayong taon.

Halos kasabay ito ng paglabas ng bagong League of Legends anime series na pinamagatan namang “Arcane” kaya naman siguradong maraming fans ng MOBA ang sabik sa pagdako ng mga buwang ito.


Saan mapapanood ang Mobile Legends anime “The Legends of Dawn: The Sacred Stone”

Credit: Moonton

Hinggil kung saan mapapanood ang MLBB animation, sinabi ng game developer na lalabas ang premiere nito sa buong mundo. Inilista din ng Moonton kung saang mga channels aabangan ang nasabing anime:

BASAHIN: 3 pinakamagandang panoorin na anime habang nag-aabang sa MPL PH S8