Bilang pagdiriwang sa kanilang 5th anniversary, maglalabas ang Mobile Legends: Bang Bang ng samut-saring in-game events para sa mga fans ng laro.
Isa sa mga maaaring makuha na in-game freebie ang Moon Goddess Miya, ang pinakabagong skin ng Moonlight Archer bilang pasasalamat sa mga manlalarong sumusuporta sa papalaki nang papalaki na MOBA game.
5th anniversary announcement ng Mobile Legends: Bang Bang

Inanunsyo ng Moonton ang kapanapanabik na Project NEXT update sa inilabas nilang YouTube videokung saan ibinahagi nila ang kahulugan ng kanilang 5th year anniversary logo.
“The design of the 5th anniversary logo corresponds with the anniversary’s theme, indicating a new beginning and infinite possibilities,” ani ng Moonton.
Ibinida rin ng game developers ang kanilang splash art at character model para sa Moon Goddess Miya na tiyak na matitipuhan ng maraming fans. Tampok sa nasabing skin ang puting dress ng hero na bagay na bagay sa kaniyang mahabang brown na buhok.

Bukod dito, elegante rin ang magic crystals sa kaniyang baiwang at dibdib na swabe sa personalidad ng karakter. Bitbit ni Miya ang isang bow na mistulang binunot mula sa kalawakan na nagbigay sa hero ng magkahalong bangis at ganda.
Bukod sa libreng skin, pinatikim din ng MLBB ang mga fans sa paglabas nila sa splah art ni Floryn, ang paparating na hero sa land of dawn na kasabay na papasok kasama ng 5th year anniversary event. Hindi pa tiyak kung ano ang skill kit at character model ng bagong hero na ito.
Kailan lalabas ang Moon Goddess Miya skin

Ayon sa Project NEXT video, maaaring makuha ang Moon Goddess Miya kapag nakumpleto ng mga players ang mga available na quests sa 5th anniversary event ng Mobile Legends.
Sa ngayon ay wala pang tinukoy na official release data para sa pagdiriwang ng anniversary.
Pagsalin sa istorya ni Jules Elona ng ONE Esports.