Sa kasalukuyan, isa si Moskov sa pinakamalakas na marksman hero sa Mobile Legends: Bang Bang. Sa limang pinakapopular na heroes, ang Spear of Quiescence ang may pinakamataas na winning percentage.

Mabuti na lang at may mga kahinaan ang marksman na ito na magagamit sa pagpili ng tamang hero. Narito ang tatlo sa mga pinakamabisang pangontra sa marksman hero na ito upang mas mapaganda ang iyong ranked game.


3 best counters kay Moskov

Eudora

Karina counter revamped Eudora
Credit: Moonton

Kung gusto mong manalo laban sa Spear of Quiescence, kailangan mong pumili ng isang hero na kayang mangibabaw sa early game, at kayang kaya ito ni Eudora. Magandang pangontra ang mage hero na ito laban sa Spear of Quiescence dahil sa kanyang kakayahan na pumalag sa lahat nang mga makakapal na heroes gamit ang kombinasyon ng kanyang mabibilis na attacks.

Kapag na siya sa level four, maaari niyang patayin ang halos kahit sinong hero gamit ang kanyang Ball Lightning, Forked Lightning, at Thunder’s Wrath combo. Bukod pa rito, ang kanyang stun ay maaari ding maging pang-initiate para sa kanyang teammates at pigilang makatakas si Moskov gamit ang Abyss Walker.


Lesley

Credit: Moonton

Si Lesley ay itinuturing na tanging counter hero kay Moskov sa gold lane. Isa siya sa mga heroes na may pinakamalawak na attack range sa Land of Dawn, na pwedeng gamitin upang manatili sa labas ng maikling range ng Obsidian Spear.

Dahil sa kanyang skill na Master of Camouflage, hindi siya pwedeng maatake sa loob ng maikling oras, at epektibo ito laban sa Spear of Quiescence na umaasa sa kanyang basic attacks.

At panghuli, madaling makatakas si Lesley mula sa Obsidian Spear wielder gamit ang Tactical Grenade. Kung gusto mong magsisi ang kalaban sa pagpili ng Moskov, gumamit ka ng Lesley.


Chou

Chou hero counter for Moskov
Credit: Moonton

Isa si Chou sa mga pinaka-versatile na hero, si Chou ay isa ring solid choice laban sa anumang short-range na marksman hero sa Land of Dawn. Magagamit niyang panghabol ang Jeet Kune Do at iwasan ang knockback effect ng Spear of Misery.

Hindi maaaring kwestyunin ang husay ni Chou bilang hero counter kay Moskov. Sino man ang maging target niya ay siguradong mahihirapang makatakas sa paghabol ng isang mahusay na Chou user.

Ang tanging downside sa paggamit ng Chou ay mahirap siyang i-master lalo na at nagsisimula ka pa lamang matutunan ito. Ngunit pag nagamay mo na, isa siya sa mga pinakadelikadong heroes pantapat kay Moskov.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.