Napagpasyahan ng Moonton na tanggalin pansamantala ang MPL 2022 squad emotes na nagtatampok ng iba’t-ibang expressions at voiceovers na nakaugnay sa ilang koponan mula sa MPL Philippines at MPL Indonesia.

Matagal nang ginagamit ang emotes upang i-express ng mga manlalaro ang kanilang mga sarili sa Land of Dawn kaya naman ‘di na nakakapagtaka na marami ang nag-abang sa MPL 2022 squad emotes.

Ngunit matapos itong ma-release, agad namang binawi ito ng Moonton.


Bakit tinanggal muna ng Moonton ang MPL 2022 squad emotes?

Credit: Moonton

Sa isang anunsyo sa mismong Mobile Legends: Bang Bang client, nanghingi ng paumanhin ang Moonton sa pag-withdraw nila sa eklusibong MPL 2022 squad emotes.

Kasabay nito ang paliwanag na may negatibong epekto umano ang voiceovers mula sa emotes sa paggamit ng chat sa mga matches. Dagdag pa ng game developer: “MLBB is committed to providing a harmonious, relaxed and friendly game environment.”

Anunsyo patungkol sa pagtanggal ng MPL 2022 squad emotes
Credit: MLBB/Moonton

Dahil ang mga voiceovers ay tila taunts na ginawa ng pro players, ang ibang manlalaro ay ginamit ang mga ito para ipang-spam at magdulot ng toxicity sa iba. Kaya naman napagdesisyunan ng Moonton na i-pull out muna ang mga ito.

Sinabi naman ang Moonton na agad nilang io-optimize ang MPL 2022 squad emotes at muling ilalabas pagkatapos ng optimization. Nagbigay rin sila ng sumusunod compensation sa mga bumili ng naturang emotes:

  • 25 Tickets
  • 2 Small emblem Pack
  • 1 Hero Trial Card Pack

Para sa mga balita patungkol sa MLBB at MPL, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa akda ni Alfa Rizki ng ONE Esports Indonesia.