Malaking patunay ng paglakas ng MLBB bilang esports ang patuloy na pagtatagumpay ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) sa iba’t-ibang bansa sa Southeast Asia. Ngayon, pinatunayan ng Moonton na hindi sila tapos.

Inanunsyo kamakailan lamang ang opisyal na pagbubukas ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Brazil (MPL Brazil), ang pinakaunang MPL region sa labas ng Southeast Asia.

Opisyal na pahayag ng Moonton tungkol sa MPL Brazil

Naging surpresa ang timing ng pag-aanunsyo ng Moonton sa madaming fans sa buong mundo. Kahit pa marami ng haka-haka tungkol sa pagbubukas ng bagong MPL region na ito, makabag-damdamin pa din ang biglaang pagsulpot ng Facebook page ng MPL Brazil.

Credit: Moonton

Kasabay nito, inilabas din ng Moonton ang isang bidyo na itinampok ang mga pinakamagandang lugar at tanawin sa bansa sa South America, gayundin ang mga highlights ng mga kupunang mayroon dito.


Kahit pa hindi pa malawak ang player base ng bagong region kumpara sa mga kakambal nila sa SEA tulad ng Pilipinas at Indoneia, hindi puweding ismolin ang laki ng MLBB community na mayroon dito.

Kinabibilangan din ang rehiyon ng mga teams tulad ng GeO Esports na lumahok sa M1 World Championship  noong 2019 at ang DreamMax E-sports na nagpakilala naman sa M2 World Championship

May competitive pro eksena na din talaga sa Brazil. Matapos ang M2 World Championship, nag-host ang Bansa ng Mobile Legends: Bang Bang Brazil National Championship na may tumataginting na US$15,000 prize pool.

Sa katunayan, isa sa mga streams sa tournament na ito ang nakakuha ng 79,000 total views na  isa sa mga most-watched MLBB tournaments sa Latin America region.

Subaybayan ang salpukan ng mga teams sa. MPL Brazil sa pamamagitan ng pag-like at follow sa kanilang official Facebook page.