Papalapit nang papalapit ang pagbubukas ng pinakaunang season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Brazil at siguradong madaming fans na ang sabik na makita ang mga eksena rito.
Pero bago pa man opisyal na simulan ang bakbakan sa Brazil, heto ang ilan sa mga importanteng detalye tungkol sa torneyong ito.
Unang MPL sa labas ng SEA
Nakumpirma ang haka-haka ng mga miron tungkol sa pagbubukas ng MPL sa Latin America.
Matatandaang madaming kupunan na galing Brazil ang sumabak sa mga nakaraang international tournaments tulad ng M1 at M2 World Championships, kaya naman hindi na kagulat-gulat para sa marami ng buksan ng Moonton ang unang MPL sa labas ng SEA.
Katatampukan ng pinakamagagaling na kupunan mula sa bansa ang gaganaping MPL na ito, kung saan maglalaban-laban sila para hirangin bilang unang kampyeon ng MPL Brazil.
Bukod sa maiuuwing premyo mula sa $30,000 total prize pool, mabibigyan din ng tiyansa ang magwawagi na katawanin ang Brazil sa mga international tournaments.
Iskedyul ng MPL Brazil S1
Gaya kung paano nagsimula ang mga naunang MPL sa ibang rehiyon, magsisimula ang MPL Brazil S1 sa qualifiers. Tutungo naman ang 6 kmapipiling mga kupunan sa regular season upang paglabanan ang mga spot sa gaganaping playoffs.
Tatakbo ang qualifiers mula July 16 hanggang July 18 at ang regular season naman ay gaganapin mula August 14 hanggang September 19.
Kasama nito, ang playoffs ay mapapanood mula October 9 hanggang 10 bago ito bigyan ng kongklusyon sa October 16 kung kailan gaganapin ang Grand Finals.
Format ng tournament

Magsasalpukan ang walong kupunan para kilalanin bilang unang MPL Brazil Champions. Anim sa mga kupunan na ito ay direktang iimbitahan ng MPL, at ang natitirang dalawa naman ay kukuhain mula sa gaganaping qualifiers.
Lahat ng mga labanang magaganap sa regular season at playoffs ay best-of-three ang format. Malalaman naman ang magiging kampyon sa mananalo sa best-of-five na serye na gaganapin offline sa São Paulo.
Mga premyo at saan mapapanood
Paghahatian ng mga lalahok na kupunan ang tumataginting na $30,000 prize pool sa unang MPL Brazil S1. Ganito hahatiin ang naturang prize pool:

Mapapanood ng live ang tournament na ito sa mga opisyal na pages ng MPL Brazil sa Facebook, Youtube, Twitch, Nimo TV, at TikTok Live!