Muling nagbabalik ang MPL ID power ranking dahil sa nalalapit na pagsisimula ng ika-9 na season ng pinakamalaking MLBB tournament sa Indonesia.
Nagbago na ang takbo ng power ranking dahil sa pagbabagong naganap sa mga rosters ng bawat team. Gumawa rin ng preiksyon ang ONE Esports tungkol sa kung aling team ang may pinakamalakas na komposisyon.
MPL ID Season 9 Power Ranking
8. Geek Fam ID

Hindi sa kawalan ng respeto, pero ang Geek Fam ID ay nakapwesto pa rin sa labas ng playoff zone. Malaking pagbabago ang kanilang ginawa sa kanilang roster sa pag-asang maitaas ang kanilang pwesto para sa season na ito.
Ngunit kung papel at data lang ang pagbabasehan, makikita ang madalas na pagkabigo ng mga talents na nagmumula sa Geek Fam ID. Bukod pa dito ay lalo pang nagpalkakas ang mga kalabang team. Kung kaya’t naniniwala ang Geek Fam na magiging mahirap ang regular season.
7. Rebellion Zion

Malaki ang potensyal ng Rebellion Zion. Isa sa mga kapansin-pansin sa kanilang roster ay ang kanilang bagong jungler na si Fearless na kilala maging sa mga pro players.
Kaya kayang tapatan ng Rebellion Zion ang mga teams na mas matagal na sa liga? Kung pagbabasehan ang kanilang roster, hindi pa masyadong napapansin ang kanilang team, kung kaya’t dapat silang abangan sa MPL ID S9.
6. Bigetron Alpha

Isa sa mga teams na hindi nagdala ng bagong players para sa MPL ID S9. Malakas ang paniniwala ng BTR sa kanilang kasalukuyang lineup, kahit na wala si Branz na nag-withdraw mula sa liga.
Si Maxx ang inaasahang magiong main jungler, habang si Bottle naman ay ang gaganap bilang midlaner. Pero dapat nating tandaan na may problema si Maxx sa paglalaro sa mga onsite events, kung kaya’t baka hindi sya maibuhos ang kanyang isandaang porsyento. Magbabalik kaya ang problemang iyon? Abangan natin.
5. Alter Ego

Isa sa mga matitinding hangarin ng Alter Ego ang makbangon matapos ang kanilang performance noong Season 8. Makabuluhan ang mga pagbabagong naganap dahil sa pagsali ng MDL trio na sina Devkoch, Rexlona, at Amyy.
Ngunit hindi pa rin natin alam kung ano ang best composition ng AE. Sino ba sa tatlong ito ang magiging core players? Isa ito sa mga dahilan kung bakit kailangang tumutok sa Season 9.
4. ONIC Esports

Naninigurado ang defending champion na panatilihin ang kanilang estado. Sa kasamaang-palad, malaki ang naging epekto ng pagkawala ni Drian sa kanilang roster.
May mga haka-haka rin na ang bagong player na si Vior ay magsisilbi lamang na backup. Bukod pa dito, anim lang sila sa roster, maaari itong maging problema. Sa kanilang bagong composition, kayanin kaya ng ONIC na mai-deliver ang kanialng best performance? Mukhang magiging mahirap ito.
3. Aura Fire

Isa na namang team na hindi masyadong nagpalit ng roster, bagkos ay nagdagdag sila. Solido ang Aura Fire lalo na sa mga interesting META innovations nila.
Siguradong lalaki ang team sa pagdating ng Season 9, subalit ang presensya ni jamet bilang bagong jungler ay maaaring maghatid ng pagkalito sa main roster. Dahil dito, si High ang susi. Magiging maganda ang performance nila, ngunit hindi pa nila naaabot ang kanilang full potential.
2. EVOS Legends

Isa sa mga teams na may malawak na roster na may 10 players. Siksik at diverse ng roster na ito, at maituturing na above average ang experience at kakayahan ng bawat miyembro.
Kung titignan ang EVOS Legends, magiging mas Malaya sila sa pagtimpla ng kanilang gameplay. Dahila na rin sa pagkakaroon ng malawak na lineup, malaki ang posibilidad na makuha nila ang kinakailangan na strategy sa bawat laban.
1. RRQ Hoshi

Ang team na lagi mananatili sa top rank, hindi lang dahil sa pangalan, kung ‘di dahil sa lineup na meron sila. Ang pananatili ng mga importanteng haligi maliban kay Xinnn, ang pagbabalik ni Lemon, pati na rin ang pagkakaroon ng mga bagong mukha na may angking talent, ito ang mga naging dahilan.
Maraming compositions ang RRQ Hoshi para magdomina. Malaking bagay ang presensya ni Lemon sa team. Sigurado rin na mas lalawak pa ang kanilang hero pool kumpara noong nakaraang season.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.