Ang lahat nang matches para sa MPL ID S9 Week 6 ay nagtapos nitong Sunday, March 27. Sa pitong matches na naganap nitong linggo, may ilang bagayt nanging sigurado, tatlong teams ang pasok na sa playoffs habang isa naman ang tuluyan nang nabigo.

Ang tatlong teams na may siguradong pwesto na sa MPL ID S9 playoffs ay ang RRQ Hoshi, ONIC Esports, at Aura Fire. Ang record ng tatlong teams na ito ay hindi kayang habulin ng unang team na nasa red zone, ang Rebellion Zion, sa kanilang mga nalalabing tatlong matches.

Samantala, ang Geek Fam ID, na nabigong makakuha ng panalo mula sa kanilang unang 10 matches, ay sigurado nang hindi makakatungtong ng MPL ID S9 playoffs matapos makakuha ng talo sa kamay ng Bigetron Alpha.

Sa kabilang banda, walang tinag na nagunguna ang RRQ Hoshi sa standings ng MPL ID S9 matapos makakuha ng dalawang panalo, at isa dito ay mula sa isa sa kanilang mga karibal, ang Aura Fire. Narito ang review.

MPL ID S9 Week 6 Standings
Credit: MPL ID

MPL ID S9 Week 6 recap

Friday, 25 March 2022

TEAMSCHEDULETEAM
Rebellion Zion0-2ONIC Esports
Alter Ego1-2EVOS Legends

Nagbukas ang unang araw ng MPL ID S9 Week 6 sa laban sa pagitan ng Rebellion Zion at ONIC Esports. Sa unang post-patch match ng March 2022, agad na naglabas ang ONIC ng lineup ng mga heroes na nakatanggap ng buff.

Kasama rin sa mga inilabas ng ONIC Esports ang mga heroes tulad nina Masha, Guinevere, Grock, at Baxia. Habang ang Rebellion Zion naman ay hindi ginamit ang mga heroes na nakakuha ng buff. Hindi naging madali ngunit nakakuha ang ONIC Esports ng 2-0 win sa laban na ito.

Sumunod naman ay ang laban sa pagitan ng Alter Ego at EVOS Legends. Naging mainitr ang unang game, hanggang sa magpalitan ng panalo ang dalawang teams, at sa huli ay nagwagi ang EVOS sa score na 2-1.

Ito ang naging katapusan ng lose streak na dinanas ng EVOS Legends at isang magandang simula para kay Wann na kakasali lang sa roster matapos ma-promote mula sa EVOS Icon.

Saturday, 26 March 2022

TEAMSCHEDULETEAM
RRQ Hoshi2-0Geek Fam ID
Aura Fire2-0Bigetron Alpha
EVOS Legends2-1Rebellion Zion

Sa ikalawang araw ng MPL ID S9 week 6, muling nakaharap ng RRQ Hoshi ang Geek Fam ID upang subukan ang bagong meta. Sa dalawang games na naganap, may bagong ipinakita si Alberttt at ang kanyang team na nagdala sa kanila ng 2-0 na panalo.

Hindi lang jungler tank meta, kung saan laging Baxia ang gamit ni Alberttt, ang ipinakita ng RRQ Hoshi sa laban kundi pati na rin ang 2 retribution meta na talaga namang nagpahirap sa Geek Fam ID.

Ipinaramdam naman ng Aura Fire ang kanilang kalamangan sa Bigetron Alpha. Bagama’t walang bago sa ipinakita ng Aura Fire, nakuha pa rin nila ang 2-0 na panalo sa kabila ng pagpalag ng Bigetron Alpha sa unang game.

Sa huling match ng ikalawang araw ay nagkatapat ang EVOS Legends at Rebellion Zion. Dahil sa pagkatalo sa una nilang paghaharap ay naging mas pursigido ang EVOS na manalo sa pagkakataong ito.

Malakas ang ipinakita ng EVOS Legends sa unang game ngunit kinuha pa rin ito ng Rebellion Zion. Ngunit sa sumunod na dalawang games, natupad ng EVOS Legends ang kanilang misyon na maghiganti at tapusin ang match sa score na 2-1.

REKT EVOS Legends MPL ID S9
Credit: MPL ID

March 27, 2022

TEAMSCHEDULETEAM
Bigetron Alpha2-0Geek Fam ID
RRQ Hoshi2-1Aura Fire

Ang huling araw ng MPL ID S9 Week 6 ay nagsimula sa isang deciding match sa pagitan ng Bigetron Alpha at Geek Fam ID. Naging importante ang laban na ito dahil pag natalo ang Geek Fam ID ay siguradong mawawalan sila ng pag-asa na makapasok sa playoffs.

Matapos ang dalawang games ay nangibabaw ang Bigetron Alpha upang siguraduhin ang tagumpay sa 2-0 upang manatili sa labas ng red zone at malayo mula sa naghahabol na Rebellion Zion.

Nagtapos ang MPL ID S9 Week 6 sa match sa pagitan ng RRQ Hoshi at Aura Fire. Itinuturing ang laban na ito bilang pinakamainit at pinakakapanapanabik para sa season na ito. Hindi naging madali ang panalo ng RRQ Hoshi, lalo na sa iaktlong game na nagtagal ng 28 minuto.

Clay Skylar RRQ Hoshi MPL ID S9
Credit: MPL ID

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.