Maraming batang players ang nagpakitang gilas ngayong season. Bagamat marami ding mga beteranong players ang gusto manatiling nasa tuktok, hindi magpapatalo ang mga kabataan. 

Maganda ang takbo ng regeneration sa pro MLBB scene. Sa nakaraang taon, napakaraming bagong players ang bumida at nagpakita ng kanilang mga talento. Ito ay isang magandang senyales na magpapatuloy ang MLBB sa mga susunod na taon sa Indonesia. 

Ngayong season, maraming batang players ang nagpakita ng kanilang potensyal. Ngunit kahit na mahusay sila maglaro, hindi sila masyadong napapansin dahil natatakpan sila ng ibang stars ng team nila.  

Kung tutuusin, ang mga laro ng mga batang to ay napaka-espesyal. 

Mga kapansin-pansin na MPL ID S9 wonderkids 

So alin sa mga MPL ID S9 wonderkidsa ang nagpatunay na pwede silang maging malaking pangalan sa mga susunod na seasons? Ito ang mga pinaka-prominenteng wonderkids na nakita ng ONE Esports sa unang tatlong linggo ng MPL ID S9. 

Jisaa (Rebellion Zion) 

MPLL ID S9 wonderkid Rebellion Zion
Credit: MPL Indonesia

Kilala na ang pangalang Jisaa simula pa noong MPL ID S8, at matagal nang nakitaan ng potensyal ang batang ito. Ngunit ngayong season lang talaga tumindig ang batang jungler na ito.  

Kasabay sa paglakas ng Rebellion Zion, naging isa sa mga tagabuhat ng team si Jisaa. Ang kaniyang mga abilidad at pagiging agresibo ay nakita ng mga assassin players. Tingin namin na maaring maging isang malaking pangalan si Jisaa. 
 
Amyy (Alter Ego) 

MPL ID S9 wonderkid Alter Ego Amyy
Credit: Alter Ego

Ang bagong na-promote na Jungler Alter Ego ay nagmula sa Alter Ego X. Ngunit kailangan niya pang makipag-kompetensya kay Celiboy. 

Ngunit kung potensyal ang usapan, nagpakita si Amy ng kaniyang sariling style. Masaya maging jungler na may palaban sa sapatos ang player na ito. Sina Sun, Alpha, at Yin ang mga heroes na nagamit niya nang mahusay simula pa noong MDL patungong MPL. Ang kaniyang presensya ay nagbibigay ng diversity sa gameplay ng AE. 
 
Violence (RRQ Hoshi) 

MPL ID S9 wonderkid Violence
Credit: Instagram RRQ

Isang roamer na nakitaan na ng talento bago pa pumasok sa RRQ. Siya ay isang napakalakas na roamer na kayang mag-adjust. 

Bagamat mas mababa ang kaniyang lebel kay Vynnn, maganda isipin na may tagapagmana na ang King of Kings. 
 
Kabuki (Aura Fire) 

MPL ID S9 wonderkid Kabuki
Credit: Instagram


Kung may isang pangalan na nangibabaw talaga ngayong season, ito ay si Kabuki. Ang gold laner marunong din maging jungler ng Aura Fire ay sumikat talaga sa unang tatlong linggo ng MPL ID S9. 

Napakita niya talaga ang kaniyang abilidad na laruin ang iba’t-ibang roles habang nilalaro sina Fanny at MM. Ang hero pool ni Kabuki ay nagpapalakas pa lalo sa Aura Fire ngayong season.  
 
Aether (RRQ Hoshi) 

MPL ID S9 wonderkid Aether
Credit: Instagram

Oo. Maaring hindi siya naging perpekto sa kanilang debut laban sa ONIC Esports. Siya ay na-bash nang matindi dahil doon, ngunit hindi patas na panghusgahan natin siya dahil lang sa isang laro.  

Magiging mas mature si Aether dahil sa karanasan na iyon. ‘Wag mong kalimutan na parehas ang nangyari kay Alberttt sa kaniyang debut. Kaya tingin namin, dapat pa siyang bigyan ni RRQ Hoshi ng mas maraming oportunidad, dahil nahati na ang atensyon ni Alberttt matapos siyang matakda sa Indonesian MLBB national team.