Milyun-milyong fans sa Indonesia ang patuloy na nalilibang sa panonood ng high-level esports aksyon na tampok sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 (MPL ID Season 8).

Sa sobrang daming fans na nawili dito ay nakakalap ito ng pinakamalaking bilang ng viewership sa mga esports tournament sa mundo noong mga buwan ng Agosto at Setyembre ngayong taon.


Viewership count ng MPL ID Season 8

Credit: Esports Charts

Ayon sa isang report mula sa Esports Charts, ang laban sa pagitan ng RRQ Hoshi at Alter Ego ay nakatanggap ng peak viewership na 1,174,536, na pinakamataas na bilang sa buwan ng Setyembre.

Pumangalawa naman sa nasabing ulat ang VCT 2021: Stage 3 Masters Berlin na may 811,370 peak viewers, at sinundan ng ESL Pro League Season 14 na may 758,567 peak viewers. 

Noong Agosto naman, ang laban ng RRQ Hoshi at EVOS Legends ang siya ding pinakapinanood na esports match sa buong mundo na nagtala ng 1,721,921 peak viewers.

Credit: Esports Charts

Sinundan lamang ito ng LCK 2021 Summer and LEC Summer 2021, na nagtala ng magkasunod na 1,315,659 at 843,491 peak viewers.


Babasag nanaman ba ng records ang MPL ID Season 8 sa pagpasok ng Oktubre?

Credit: Moonton

Papasok na sa kalagitnaan ng Oktubre ang MPL ID Season 8 playoffs kung saan hihirangin ang kampyon at malalaman ang kakatawan sa Indonesia sa paparating na M3 World Championship ngayong Disyembre.

Kaya naman inaasahan ding bubuhos ang bilang ng mga mirong susubaybay sa nasabing post-season. Hindi malayong makabasag muli ng records ang mga labang magaganap sa huling bahagi ng MPL ID Season 8.

Hango ito sa sulat ni Jules Elona ng ONE Esports.