Ang mga pinakamahuhusay na MLBB players sa Indonesia ay dalawang linggo nang naglalaban sa MPL ID Season 9. Ilan sa mga matches ay natapos ayon sa inaasahan ng mga tao, ngunit ang ilan ay gumulat sa marami.

Narito ang review ng MPL ID Season 9 matches nitong nakaraaang linggo.

MPL ID Season 9 Week 2 recap

MPL ID Season 9
Credit: MPL ID

February 25 — Friday

TEAMSCORETEAM
Aura Fire2-0ONIC Esports
Alter Ego0-2Rebellion Zion

Nagbukas ang ikalawang linggo nang may kaliwa’t kanan na surpresa. Nangunguna ang Aura Fire na tumalo sa defending champions na ONIC Esports sa isang mapangwasak na 2-0. Ang tagumpay na ito ay bunga ng matinding performance ng kanilang mga players, lalo na si Kabuki na gumamit ng Fanny.

Sa sumunod na game naman ay ginulantang ni Jiisaa ang buong Indonesian MLBB universe matapos ihatid ang unang panalo ng Rebellion Zion sa MPL ID Season 9 nang makaharap nila ang Alter Ego.

February 26 — Saturday

TEAMSCORETEAM
Bigetron Alpha1-2Aura Fire
Geek Fam ID0-2EVOS Legends
ONIC Esports2-0RRQ Hoshi

Sa ikalawang araw ay patuloy ang pag-arangkada ng Aura Fire nang talunin nila ang Bigetron Alpha sa score na 2-1. Muling nabigo ang Geek Fam na makakuha ng puntos matapos makatikim ng talo sa kamay ng EVOS Legends.

Buhay na buhay naman ang audience sa huling match tampok ang RRQ Hoshi at ONIC Esports. Ibang iba sa kanilang performance noong naunang araw ang mga kampeon kung saan kinuha ni Sanz ang jungler position, na nagresulta sa kanilang matamis na panalo sa score na 2-0.

February 27 – Sunday

TEAMSCORETEAM
Geek Fam ID0-2Rebellion Zion
Bigetron Alpha0-2RRQ Hoshi

Dalawa sa mga panghuling teams noong nakaraang season ang unang naglaban sa huling araw ng linggo, at tulad ng inaasahan ng marami, nangibabaw ang mainit na Rebellion Zion upang kunin ang panalo sa match na ito.

Sa kabilang banda, nakabawi naman ang RRQ Hoshi sa kanilang hindi magandang performance noong nagdaang araw nang makaharap nila ang Bigetron Alpha. Tinapos ng mga runners-up ng nakaraang season ang series sa score na 2-0.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.