Oras na magpakitang-gilas ng mga taga-Cambodia.

Inanunsyo na ng Moonton ang opisyal na paglarga ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Cambodia (MPL KH), ang ika-anim na bansa sa Southeast Asia (SEA) na magkakaroon ng sarili nitong MPL tournament.

Opisyal na anunsyo ng Moonton tungkol sa MPL KH

Ibinahagi ng game developer ang tatakbong  MPL KH sa Mobile Legends: Bang Bang’s official Cambodian Facebook page.

MPL KH Announcement Trailer

បន្ទាប់ប្រកាស់ជាផ្លូវការពី MPL ខ្មែររដូវកាលទីមួយនេះដែលនឹងមកដល់ក្នុងពេលឆាបៗនេះ ជាមួយនិងប្រាក់រង្វាន់សរុប ១៦០ លានរៀល! តើអ្នកទាំងអស់គ្នាមានរម្មណ៍ភ្ញាក់ផ្អើល រំជើបរំជួលដូច Admin ទេណ៎? តោះមកស៊ីអារម្មណ៌ជាមួយវីដេអូផ្លូវការដំបូងរបស់ MPL KH ម្តងមើសអស្ចារ្យអត់!#MobileLegendsBangBang #Cambodia #MPLKH #SETOFF #MLBBEsports

Posted by Mobile Legends: Bang Bang on Sunday, July 25, 2021

Magkakaroon ng tiyansa ang mga top teams mula sa torneyo na katawanin ang kanilang bansa at ang Souteast Asia sa mga paparating pang international MLBB tournaments.

Tampok sa MPL KH ang pagkalansing ng US$40,000 prize pool.

Ayon sa Marketing team lead ng Moonton sa Cambodia na si Trinity Wu, sabik ang buong team na dalhin ang liga sa bansa, kaalinsabay ng patuloy na paglawak ng MLBB competitive eksena sa buong Southeast Asia.

“We’d like to thank our partners for helping to bring this exciting development into fruition and are looking forward to uplifting the esports community with our esports expertise,” sulat ni Trinity.

Sinong mga kupunan ang lalahok sa MPL sa Cambodia?

Credit: Moonton

Direktang inimbitahan ang apat na kupunan na kinabibilangan ng Impunity Esports, Seeyousoon, Burn Gaming at New Blood sa torneyo. Ang huling apat na babalagbag kasama ng mga kupunang ito ay malalaman sa gaganaping open qualifiers na tatakbo mula August 8 hanggang August 15.

Maaaring binistahin ang opisyal na website ng MPL KH para malaman ang iba pang detalye tungkol sa liga.