Nalalapit na ang pagbubukas ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Cambodia Season 1 (MPL KH Season 1) at siguradong hindi na makapaghintay ang mga fans sa ipapamalas ng mga kupunang sasabak sa unang rendisyon ng MPL sa rehiyon.
Matatandaan noong MSC 2021, nagpakitang-gilas ang kinatawan ng Cambodia na Impunity KH sa harap ng mga pinakamalalakas na kupunan sa mundo.
Kabilang sa mga itinumba ng mga Cambodians ang MPL SG Season 1 champions na EVOS SG at ang MPL ID Season 7 first-runner ups na Bigetron Alpha.
Hindi pa naglalabas ang MPL KH ng mga detalye tungkol sa matchups ngunit base sa inilabas na schedule, tatakbo ang regular season ng apat na linggo na magsisimula ngayong August 28 hanggang September 19.
Sa October 1 naman gaganapin ang playoffs, at kokoranahan ang grand champions sa October 3.
MPL KH Season 1 schedule

Apat na linggong aksyon ang itatampok sa MPL KH Season 1. Heto ang kumpletong schedule ng mga games:
Week 1
August 28 (Saturday)
- TBD
August 29 (Sunday)
- TBD
Week 2
September 4 (Saturday)
- TBD
September 5 (Sunday)
- TBD
Week 3
September 11 (Saturday)
- TBD
September 12 (Sunday)
- TBD
Week 4
September 18 (Saturday)
- TBD
September 19 (Sunday)
- TBD
Playoffs
October 1 (Friday)
- TBD
October 2 (Saturday)
- TBD
October 3 (Sunday)
- TBD
Mga teams sa MPL KH Season 1

Bibida sa MPL KH Season 1 ang walong pinaka-magigilas na MLBB teams sa Cambodia. Sa walong lalahok, apat ang direktang inimbitahan ng Moonton habang ang natitirang apat naman ay ang mga nakalusot na teams sa ginanap na open qualifier na nagtapos noong August 15.
Heto ang walong teams na sasabak ngayong season:
- BURN Gaming
- Impunity KH
- NewBlood
- SEE YOU SOON
- DG Quantum
- FENNEC Esport
- Notorious Angels
- Walker Esports
Saan mapapanood ang MPL KH Season 1

Mapapanood ng mga fans ang labanan sa pamamagitan ng mga official social media platforms at website na ito:
BASAHIN: MPL ID Season 8: Schedule, format, at saan mapapanood