Maraming aabangan ang mga Cambodians sa umpisa ng taong ito! 

Ang MPL KH Season 2, ang pinaka-prestihiyosong Mobile Legends: Bang Bang tournament sa Cambodia, ay nagbabalik ngayong Enero, at ito ay opisyal na tatawaging “Spring Split.”

Ang qualifiers at regular season schedule ng MPL KH Season 2 ng Mobile Legends

MLBB MPL KH
Credit: Moonton

Ang tema nito ay “Born Outstanding,” at hanggang 256 na teams ang may pagkakataon magpakitang-gilas sa qualifiers.

Ang top na apat na teams mula sa qualifiers ay sasali sa apat na inimbitang teams, tulad ng M3 World Championship Cambodia representative na si SeeYouSoon sa regular na season.

Ito ang opisyal na schedule ng tournament. 

DATE EVENT 
January 2 to 11 Registration 
January 13 to 21 Qualifier rounds 
February 26 to March 28 Regular season 
April 9 to April 24 Playoffs 

Paano sumali at saan pwede panoorin ang Spring Split ng MPL KH? 

SeaYouSoon MLBB MPL KH
Credit: SeeYouSoon Facebook page

Ang mga interesadong teams sa MPL KH Season 2 Spring Split ngayong taon ay maaring mag-register sa opisyal na page ng MPL KH. 

Panoorin ang mga laro sa Facebook at YouTube page ng Mobile Legends: Bang Bang nang live simula February 26.