Isang linggo na ang nakalipas simula noong nagumpisa ang MPL MY S10. Isang salita na maaring magamit para mailarawan ang tournament ay: fresh! Napakaraming bagong players na nagpakita ng kanilang mga talento. 

Hindi lang ‘yan, ang MPL MY, na kilala bilang isang bansa na mahilig sa mga cheese picks, ay gumulat ng marami sa stratehiya na ginamit sa dalawang matches sa loob ng tatlong match days. 

MLBB MPL MY S9
Credit: MPL Malaysia

Ang Suhaz Esports at Orange Esports ang dalawang teams na nanggulat ng lahat sa kanilang pagpili ng heroes. 

Ginamit ng Suhaz Esports si Saber roamer nang dalawang beses laban kay todak sa MPL MY S10. Habang ang Orange Esports naman ay sinabak si Helcurt midlane laban kay Homebois. 

Hindi naging swabe ang galaw ng saber roamer ng Suhaz sa MPL MY S10 

MLBB Saber
Credit: Moonton

Ang presensya ni Saber roamer ay halatang nakagulat ng marami. Ito ay maaring dahil ang layunin ni Saber roamer ay maging isang roamer killer tulad ng mga heroes na sina Selena, Kadita, at Natalia. 

Dagdag pa diyan, walang instang burst capacity si Saber sa kaniyang ultimate. Ang layunin ng Suhaz Esports noong panahon na iyon ay siyempre, padaliin ang paghuli kay Ling. 

Ngunit sa kasamaang palad, ang presensya ni Saber roamer ay hindi naging epektibo. Mas nahirapan sa rotation ang Suhaz laban kay Todak. Ang pick-off ni Saber ay hindi nagkaroon ng epekto dahil natalo sila sa rotation. 

Ngunit dapat pa rin itong pasalamatan, kahit na hindi naging maganda ang paglaro kay Saber roamer ng isang Indonesian player na si Vinsmoke. Natalo ang Suhaz 2-0 sa Todak sa MPL MY S10. 

Maayos ang naging laro kay Helcurt midlane 

MLBB Helcurt
Source: Moonton

‘Di tulad ng Suhaz, nasulit ng Orange Esports ang cheese pick sa kanilang pangalawang laro laban ang Homeboes sa MPL MY S10. Ang midlaner nila na si Stormie ang gumamit kay Helcurt. 

Medyo matagal na simula noong makakita tayo ng isang assassin na ginamit sa mid. Maari pa rin pala itong magawa, at lalong-lalo na sa paggamit ng kaniyang mga mas efficient skills, nagiging mas mabagsik si Helcurt sa mid. 

Ang mabilis na rotation at malupet na burst damage ang kaniyang mga advantages. Sa larong ito, ginamit rin ng Orange si Kadita roamer na isa ring roamer killer. Sa halip, napunta kay Esmeralda ang pagiging offlaner at kay Akai na naging jungler, na naging epektibo. At maari itong maging gameplay option para sa publiko, at hindi imposibleng gayahin ito ng iba pang MPL teams sa kinabukasan.