Ang Burmese Ghouls ang pinakamahusay na Mobile Legends: Bang Bang Professional League team sa Myanmar matapos manalo ng apat sa limang MPL MM titles.

Kamakailan ay inanunsyo ng organisasyon na pormal na nitong binibitawan ang lahat nang kanilang mga myembro at head coach, ang pagtatapos ng isa sa mga pinakakinikilala at nirerespetong MLBB teams sa MPL MM at sa buong mundo.

Anong nangyari sa Burmese Ghouls?

MLBB BurmeseGhouls Farewellposter
Credit: Burmese Ghouls

Matapos ang limang buwan na pananahimik sa social media dahil sa mga kaguluhan sa kanilang bansa, naglabas ng pahayag ang organisasyon sa kanilang Facebook page tungkol sa estado ng kanilang MLBB team.

“As Burmese Ghouls continues to struggle, we have decided to mutually part ways with our Mobile Legends: Bang Bang players,” ayon sa post.

Nangangahulugan ito na maayos ang paglisan nina ACE, KID, RubyDD, Maybe, Dee, at kanilang coach na si PVNDV mula sa team. Si pinuno ng Burmese Ghouls na si ICE ICE ay mananatili upang mangasiwa sa organisasyon.

Special thanks to the players and fans for the great memories and success we had,” dagdag pa nila.

Mga nagawa, gantimpala, at pagkilala

M2 BurmeseGhouls
Credit: Moonton and Burmese Ghouls

Kilala ang organisasyon bilang hari ng local scene mula pa noong mabuo ito, kasama na rin dito ang pagpwesto nila sa mga international tournaments.

Ang pinakamalaki nilang achievement ay nang makarating sila sa M2 World Championship grand final, kung saan nakaharap nila ang MPL PH representative na Bren Esports sa isang kapanapanabik na seven-game series.

Bukod sa pagkapanalo ng second place sa M2, sila rin ang kaisa-isang team na nanalo ng apat na MPL MM championships, ang pinakamarami sa kahit anong MPL region.