Papalapit na ang nalalapit na playoffs ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 11 (MPL PH S11).

Nakatakdang iraos ang MPL PH S11 playoffs simula ika-apat hanggang ikapito ng Mayo. Anim na natitirang koponan mula noong nagdaang regular season ang maghaharap-harap para kilalanin ang susunod na kampeon ng liga at ang magiging kinatawan ng Pilipinas para sa paparating na MLBB Southeast Asia Cup 2023 (MSC 2023).

Narito ang lahat ng detalyeng kailangan niyong malaman tungkol sa huling yugto ng gumugulong na season, gaya ng schedule, resulta, format, at kung saan maaaring subaybayan.

Format ng MPL PH S11 playoffs

MPL PH S11 playoffs: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: ONE Esports

Pareho pa rin ng playoffs format ngayong season sa naging format simula noong maging franchise-based ang liga.

Magsisimula ito sa play-ins, kung saan maglalaglagan ang ikatlo hanggang ika-anim na seeds. Ang mga koponang makaka-abante dito ay makakapasok sa double-elimination bracket, kung saan naghihintay na ang top two teams ng regular season.

(Matatagpuan ang karagdagang detalye tungkol sa harapan ng seeded teams dito.)

Lahat ng laban ay best-of-five, maliban sa grand finals na best-of-seven.

Ang dalawang grand finalist ay mabibigyan din ng pagkakataon na maging kinatawan ng bansa para sa paparating na MSC 2023.



Ang mga koponang bibida sa MPL PH S11 playoffs

KOPONANREGULAR SEASON STANDING
BREN Esports1st seed
ECHO2nd seed
Blacklist International3rd seed
RSG Slate Philippines4th seed
ONIC Philippines5th seed
Smart Omega6th seed

Schedule ng MPL PH S11 playoffs

MPL PH S11 playoffs: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: MPL Philippines

Mayo 4

Play-ins

KOPONANRESULTAKOPONAN
BLCK3 — 0OMG
RSG3 — 0ONIC

Mayo 5

Upper Bracket Round 1

KOPONANRESULTAKOPONAN
BREN1 — 3BLCK
ECHO2 — 3RSG

Mayo 6

Lower Bracket Round 1

KOPONANRESULTAKOPONAN
BREN1 — 3ECHO

Upper Bracket Finals

KOPONANRESULTAKOPONAN
BLCK3 — 1RSG

Mayo 7

Lower Bracket Finals

KOPONANRESULTAKOPONAN
ECHO3 – 2RSG

Grand Finals

KOPONANRESULTAKOPONAN
BLCK0 — 4ECHO

Saan mapapanood ang MPL PH S11 playoffs

MPL PH S11 playoffs: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood
Credit: MPL Philippines

Mapapanood nang live sa SMX Convention Center ang playoffs ng tumatakbong season.

Samantala, maaari rin itong subaybayan sa mga opisyal na social media channels na matatagpuan sa mga susunod:

PLATFORMLENGGWAHE
MPL Philippines (Facebook)Filipino
Mobile Legends Esports (Facebook)English
Mobile Legends: Bang Bang (Facebook)English
MPL Philippines (YouTube)Filipino
MLBB eSports (YouTube)English
Mobile Legends: Bang Bang (YouTube)English

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: Para kay Z4pnu, ito ang pinakamalakas na player sa MPL PH Season 11