Ipinahiwatig ng Nexplay Esports head coach na si Setsuna “Akosi Dogie” Ignacio na ang Mobile Legends: Bang Bang: Professional League Philippines Season 8 ay maaaring magkaron ng franchise-based model.

Sa isa sa kanyang personal vlogs sa YouTube, tinalakay ni Igancio ang mga pagbabagong magaganap sa susunod na season.

“Just to give you guys a heads up, I think MPL PH S8 is now 100% franchise-based,” sabi ni Dogie

“I think andun na tayo. And dito guys, baka mag-reroster kami (Nexplay Esports)”, dagdag nya.

MLBB MPL PH AkosiDogie
Credit: Akosi Dogie
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ano ang ibig sabihin ng franchise-based model para sa MPL PH S8

Maraming pagbabagong magaganap sa pagkakaroon ng franchise-based model. Sa MPL Indonesia (MPL ID) kung saan ito unang naitatag, kailangan magbayad ng mga teams ng one-time fee para sa permanenteng slot sa liga.

Nagpapahiwatig din ang franchise based model ng standardized system na mangangalaga sa lahat ng nakapaloob, tulad ng league contract, maayos na sweldo para sa mga players, at mas mahigpit na rules and regulations.

Mawawala na rin ng mga qualifiers dahil mawawalan na ang relegation.

Mataas din ang posibilidad na magkaroon ng MPL PH development league, kung saan maglalaban-laban ang mga academy teams.

Hindi pa nagbibigay ng pormal na anunsyo ang Moonton tungkol sa plano para sa MPL PH Season 8, pero tiyak na makakabuti para sa liga ang mga pagbabagong magaganap.