Kumpirmado nang magpapatuloy ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL-PH) sa ikawalo nitong season sa August 27.

Ito ay ayon sa inilabas na post ng MPL-PH sa kanilang official Facebook page kung saan ibinahagi nila ang mga schedule na magaganap na labanan.


Kaabang-abang ang matchups sa MPL PH S8 Opening day

Credit: MPL Philippines

Katatampukan ng dalawang kilalang kupunan ang unang serye sa MPL PH S8 opening ngayong buwan.

Buena mano ang labanan ng Onic Philippines at Echo sa Day 1 ng opening week kung saan susubukan ng kupunan ni Gerald “Dlar” Trinchera ang ka-rerebrand pa lamang na kupunan sa pamumuno ni Christian “Rafflesia” Fajura.

Screenshot ni Calvin Trilles / ONE Esports PH

Habang magkakasubukan ang dalawang kupunang sa unang matchup, siguradong salpukan naman ang magaganap sa pagitan ng mga standout noong nakaraang season.

Papatunayan ng roster ng tinaguriang super rookies noong Season 7 na handa na silang maging super champions ngayong season sa ilalim ng bandera ng TNC.

Malalaman ng mga miron ito sa sagupaan nila kontra sa defending champions na Blacklist International na siguradong gigil ding patunayan na sila parin ang mga hari, at reyna ng Pinoy MLBB.

Naudlot na MPL PH S8 Opening

Matatandaang nakatakda dapat na buksan ang ika-walong season ng MPL noong August 13.

Ngunit dahil sa paglalagay sa Metro Manila sa pinakamahigpit na Enhanced Community Quarantine mula ika-6 hanggnag ika-20 ng nasabing buwan, ipinagpaliban muna ang MPL PH S8 opening.

Kasabay ng pagbaba ng restriction level patungong Modified-Enhanced Community Quarantine ngayong August 21, opisyal ng inanunsyo ng MPL na tuloy na ang Season 8.

Siguraduhing updated sa mga balita tungkol sa MPL Philippines sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa official Facebook page ng One Esports Philippines!