Matapos ang dalawang taong na pinagulong ito online, magbabalik na ang MPL Philippines offline!

Magkakaroon na ng tiyansa ang fans na makita ang kanilang paboritong players at teams live sa pagbubukas ng regular season ng MPL PH Season 10 ngayong August 12. Nakatakdang idaos ang nasabing turneo sa ICite Bldg. Auditorium, Mercury Avenue, Bagumbayan sa Quezon City.


Paano makapanood ng MPL PH Season 10 games ng live?

Panoorin ang paborito mong players at teams sa MPL PH Season 10 ng live at onsite!
Credit: MPL Philippines

Para sa mga nagnanais na mapanood ang mga maiinit na labanan sa MPL PH Season 10 regular season, maaaring magpunta sa nabanggit na venue upang makakuha ng tiket. Kinakailangan din na maipakita ang vaccination cards kasabay ng negative antigen test result na nakuha sa mismong araw kung kalian manonood.

Kung hindi available ang test result, maaari namang makabili ng antigen test kits sa parehong venue sa halagang PhP 150.00.

Panoorin ang paborito mong players at teams sa MPL PH Season 10 ng live at onsite!
Credit: MPL Philippines

Paalala ng Moonton, mas maganda raw na makapili ng 30 minutos bago magsimula ang show o mas maaaga pa para makakuha ng tiket dahil ipapamahagi ang tikets sa first-come, first-served basis.

Sa bawat Biyernes at Linggo na gugulong ang MPL PH Season 10 regular season, magkakaroon ng tiyansa ang 90 masuwerteng fans na mapanood ang bakbakan onsite. Samatala, 70 fans naman ang papasukin sa bawat Sabado sa naturang season schedule.



Mainam ding i-check out ang official Facebook Group at Twitter para sa live updates tungkol sa venue gayundin sa matches na gaganapin.

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook!

BASAHIN: MPL PH Season 10: Storylines, schedule, resulta, format, at saan mapapanood