Opisyal nang inanunsyo ng Moonton ang paglipat sa franchise-based model ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines pagpasok nito sa ikawalong season.

Sa isang online press conference na ginanap Miyerkules ng hapon, pinaliwanag ni Matt Jaron, Director ng Business Development ng MPL Philippines, kung paano mababago ng modelo ang mobile esports league.

“Ang paglunsad ng franchise model nito ay isang magandang simula ito para sa MPL dito sa Pilipinas. Magbibigay din ito ng mas magagandang oportinudad at seguridad lalo na sa mga players nito,” batid ni Jaron.

Tinatag ang franchise league para maisakatuparan ang layunin ng Moonton na gawing mas professional at sustainable ang MPL PH, bagay na matagal na nilang nais simula pa nang ipakilala ito sa bansa noong 2018, kung saan nag-champion ang Aether Main.

MPL-PH Season 1 Champion Aether Main
Credit: Moonton

Ginawa nilang halimbawa ang mga matatagumpay na sports at esports leagues bilang basihan ng franchise model sa Pilipinas. Matapos, ika nila, ang pakikipagusap sa iba’t-ibang stakeholders, napagdesisyunan nilang walong koponan ang bubuo sa MPL-PH Season 8.

“Umaasa kami na mas dadami pa ang mahihikayat na sumali sa liga bilang professional players at mapalawig pa ang industriya ng esports sa ating bansa,” dagdag niya.

Ang 8 teams na sasabak sa MPL-PH Season 8

Roster ng Blacklist International para sa MPL-PH Season 8
Credit: Blacklist International

Ang mga sumusunod na teams ang magbabakbakan sa paparating na MPL-PH Season 8 kung saan nakataya ang $150,000 na prize pool:

Ang mga pagbabago sa paparating na MPL-PH Season 8

Bukod sa franchise model, kapansin-pansin din ang iba pang pagbabago sa mga koponang sasabak sa liga.

Isa na dito ang mas pinadaming miyembro ng bawat roster na pinalaki mula anim hanggang 10 manlalaro. Ito raw ay para magkaroon ng mas malawak na pagkakataon ang mga koponan na gumawa ng stratehiya.

Tinanggal na rin ang open qualifiers sa mga tournament phase ng MPL-PH Season 8. Rekta na ito sa walong lingong regular season, na nakatakdang ganapin simula ika-13 ng Agosto, habang sa huling lingo naman ng Oktubre balak idaos ang playoffs.

Ang pagkakatanggal ng open qualifiers ay para raw maprotektahan ang mga franchise teams kung sakaling hindi maging maganda ang kanilang resulta at para mabawasan na rin ang investment risk.


Sa pagkakatatag ng revenue model na ito, tinatantya ni Moonton na aabot sa 400 milyong piso ang pwedeng paghatian ng bawat franchise team pagkalipas ng tatlong taon.