Lahat ng landas ay magtatagpo sa pagsisimula ng MPL PH Season 8 Grand Finals.

Susubukan ng Blacklist International protektahan ang kanilang korona habang tatangkain naman ng ONIC Philippines isakatuparan ang kanilang tadhana.

Tadhana. Kapalaran. Dito sa MPL PH Season 8 Grand Finals natin matutunghayan. Hatid sa inyo ng ONE Esports PH ang Season 8 Championship series live scores:


MPL PH Season 8 Grand Finals Live Scores

Credit: MPL Philippines

Game 5: BLCK pinatalsik ang ONIC 4-1, sinelyo ang back-to-back kampyonato

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Sabi nga nila, “Don’t fix what is not broken.” At iyan mismo ang ipinakita ng Blacklist International matapos isalang muli ang Bane pick sa pangatlong beses para kay Danerie “Wise” Del Rosario,

Hindi binigo ng jungler ang tiwala ng Blacklist Agents, na naghasik ng lagim sa midgame papunta sa mabilis na death push kontra sa pamosong Lancelot ni Kairi “Kairi” Rayosdelsol.

Iuuwi nila ang back-to-back kampyonato at ang tiket sa M3 World Championship.


Game 4: BLCK sinagasaan ang ONIC PH, 3-1

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Isa nanamang dominanteng Bane composition ang isinalang ng Blacklist International para balagbagin ang ONIC PH, 17-0 sa ikaapat na laro ng MPL PH Season 8 Grand Finals.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Nanalo sa lahat ng lanes ang defending champs, habang ang Bane ni Danerie “Wise” Delo Rosario ay libreng lumibot para kuhanin ang mga importanteng objectives, papunta sa tumataginting na 913 gold per minute.

Susi din ang mga pasok ni Salic “Hadji” Imam sa kaniyang Chou na epektibong pumutol sa rotation ng ONIC. Nilista ni Hadji ang ikalawa niyang MVP sa 1/0/9 KDA.


Game 3: Wise Bane, Mathilda Airlines, nilapnos ang ONIC para sa 2-1 lead

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Pinatunayan muli ni Wise ang bangis ng kaniyang Bane pick na gumulantang sa ONIC PH sa Game 3 ng MPL PH Season 8 Grand Finals.

Agresibong early game ang lutong inihain ng defending champs sa pangunguna ng Bane ni Wise na libreng kumuha ng objectives, kaagapay pa ng matalinong maniobra ni Johnmar “OhMyV33NUS” Villaluna sa kaniyang Mathilda.

Epektibo ang naging rotation ng superstar support na nagtala ng 6/0/2 KDA 8 minuto pa lamang sa laro, para akayin ang opensiba ng kaniyang team, 2-1 kontra ONIC PH.

Game 2: ONIC PH bumwelta, tinabla ang serye ng 1-1

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Nagbaga ang bakbakan sa pangalawang laro sa grand finals na natiling mahigpit hanggang katapusan.

Gayunpaman, nagningning ang Natan ni Marky “Markyyyyy” Capacio na dinomina ang gold lane at nagtala ng tumataginting na 106k damage dealt para tulungan ang ONIC PH na itabla ang serye, 1-1.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Isang late game engkwentro 20 minuto sa laro ang nagdikta ng Game 2 resulta, kung saan inilista ni Markyyyy ang triple kill na nagbigay daan sa death push ng upper bracket finalist.


Game 1: BLCK kinuha ang maagang kalamangan, 1-0

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Eksplosibo ang entrada ng Season 8 Grand Finals kung saan nagpakitang gilas ang Yve ni Salic “Hadji” Imam na naglista ng magnipikong 3/1/15 KDA at 100% Kill Participation.

Credit: MPL Philippines/ Screenshot ni Calvin Trilles ng ONE Esports PH

Malaki ang ambag ng regular season MVP sa zoning at control ng Blacklist sa middle hanggang late game, na patuloy na nagbuhos ng magic damage at stuns para bigyang daan ang physical damage output ng Aldous ni Danerie “Wise” Del Rosario.


Ang article na ito ay patuloy na i-a-update base sa pinakahuling pangyayari sa Grand Finals.