Tumatagingting na US$75,000, o mahigit ₱3.8 milyon, ang paglalaban-labanan ng anim na koponang makaka-qualify sa playoffs ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH) Season 9.

Binalangkas sa opisyal na ruleset ng naturang esports league ang mga premyong naghihintay sa mga player simula sa regular season hanggang sa playoffs.


Mga prize sa regular season ng MPL PH Season 9

₱3.8 milyon tampok sa MPL PH Season 9 playoffs prize pool
Credit: MPL Philippines

Makatatanggap ang bawat koponan ng US$170 (₱8700+) na match allowance tuwing sila ay sasabak sa isang laban. Iba pa ito sa US$900 (₱46,000+) na prize pool na kanilang matatanggap kada best-of-three.

Kapag nanalo ng ang isang koponan sa iskor na 2-0, buong mapupunta sa kanila ang US$900 na premyo. Kung 2-1 naman ang magiging iskor mahahati ang premyo—US$600 (₱30,000+) ang mapupunta sa mananalo habang US$300 (₱15,000+) naman ang sa matatalo.


Ano nga ba ang makukuha ng MVP o ng special awardees sa MPL PH Season 9?

₱3.8 milyon tampok sa MPL PH Season 9 playoffs prize pool
Credit: MPL Philippines/ ONE Esports PH

Bukod sa MPL PH Season 9 playoffs prize pool, nagpresenta rin ang Moonton ng mga special awards ngayong season, hindi lang para sa mga players kung hindi pati sa mga talents.

AWARDPALIWANAGPREMYO
Best Regular Season LineupMamimili ang MPL officials ng limang player na pinakamagaling sa kanilang posisyonUS$500 (₱25,000+) kada player
Best Commentator/AnalystMamimili ang MPL officials ng pinakamagaling na commentator at analystUS$500 (₱25,000+) kada commentator at analyst
Regular Season MVPMamimili ang MPL officials ng isang manlalaro na nangibabaw buong regular season.US$1,000 (₱51,000+)
Finals MVPMamimili ang MPL officials ng isang manlalaro na nangibabaw buong grand final.US$1,000 (₱51,000+)
Rookie of the SeasonMamimili ang MPL officials ng isang rookie na nangibabaw buong season.US$500 (₱25,000+)

Breakdown ng MPL PH Season 9 playoffs prize pool

₱3.8 milyon tampok sa MPL PH Season 9 playoffs prize pool
Credit: MPL Philippines

Bilang hudyat ng tugatog ng isang season, malaking halaga ang nakalaan sa MPL PH Season 9 playoffs prize pool.

PLACINGPRIZE MONEY
ChampionUS$35,000 (₱1,700,000+)
2nd placeUS$20,000 (₱1,000,000+)
3rd placeUS$10,000 (₱500,000+)
4th placeUS$5,000 (₱250,000+)
5th-6th placeUS$2,500 kada team (₱128,000+)

Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL Philippines, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH Season 9: Schedule, resulta, format, at saan mapapanood