Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Pumatok ang Lunox combo ni Myanmar Mobile Legends: Bang Bang player Swan “Ruby DD” Aung simula noong gawin niya ito kontra Bren Esports sa M2 World Championship.

Bagamat lumipas na ang ilang taon, hanggang ngayon ay sikat pa rin ang inimbentong combo ng dating Burmese Ghouls at Falcon Esports star player sa mga mage user sa Mobile Legends.

Mid Laner sa MLBB
Ang trabaho ng Mid Laner sa MLBB at bakit ito tinawag na ‘Pos 4’

Bukod kasi sa pagiging isa sa pinaka-flashy na skill combo sa Land of Dawn, hindi maikakaila ang laki ng impact nito sa mga team fight dahil sa biglaang damage na naibibitaw nito, dahilan para hindi agad makapag-react ang mga kalaban.

Sa komprehensibong ONE Esports guide na ito, ituturo namin sa inyo kung paano gawin ang Lunox combo a la Ruby DD, at kung kailan mo dapat ito isagawa sa laro.

Narito ang mga hakbang sa pagsasagawa ng Lunox combo ni Ruby DD sa MLBB

Mobile Legends: Bang Bang mage hero Lunox at Falcon Esports player Swan “Ruby DD” Aung
Credit: ONE Esports

Kailangang Flicker ang iyong battle spell para magawa ang combo na ito.

At bago ito gawin, siguraduhing available ang iyong Flicker at lahat ng skills mo, lalo na ang iyong dalawang ultimate.

Narito ang step-by-step na gabay sa paggawa ng Lunox combo:

Dogie ibinunyag kung sino ang kaniyang esports idol – at hindi siya Mobile Legends player
  1. Ihanda ang iyong Power of Chaos: Darkening (ultimate) sa pamamagitan ng paglagay ng stack sa Power of Chaos gamit ang Chaos Assault (skill 2).
  2. Siguraduhing nasa saktong distansya ka mula sa mga kalaban bago simulan ang combo — hindi masyadong malapit, pero hindi rin naman sobrang layo.
  3. I-cast ang Darkening sa direksyon na iyong tinatarget at habang nagda-dash ay mabilis na pindutin ang Flicker. Sa hakbang na ito, dapat ay babagsak ka sa puwesto ng mga kalaban.
  4. Agad na gamitin ang Starlight Pulse (skill 1) upang lumipat sa Power of Order: Brilliance ang iyong ultimate.
  5. Sunod na i-slow ang mga kalaban gamit ang Cosmic Fission. Maaaring i-cast mo na lang agad ito at huwag nang manwal na itutok upang hindi ka magamitan ng hard crowd control tulad ng stun.
  6. Habang naka-slow ang mga kalaban, i-activate ang Brilliance para makapagbitaw ng tuloy-tuloy na damage at mapuksa sila.


Maaari mo ring unahin ang Cosmic Fission bago ang Starlight Pulse sa combo upang mabilis na makapaglagay ng slow effect sa iyong target.

Pagkatapos ng Brilliance, agad na mag-disengage patungo sa iyong mga kakampi, o ipagpatuloy ang iyong atake gamit ang unang tatlong skills mo kung ligtas itong gawin.

Kailan mo dapat gawin ang Ruby DD Lunox combo?

Mobile Legends: Bang Bang Divine Goddess Lunox Wallpaper
Screenshot by Jules Elona/ONE Esports

Epektibong gawin ang combo na ito kapag ang inyong tank/roamer o EXP laner ay nakapag-set nang maayos. Sa sitwasyong ito, nakatuon ang atensyon ng mga kalaban sa mga kakampi mo sa frontline, at maibubuhos ang CC abilities nila sa kanila.

Pwede mo rin naman itong gawin kahit wala ang inyong setter, basta siguraduhin na ang iyong target ay walang CC na maaaring makapigil ng iyong combo at maging sanhi ng iyong pagkamatay.

Paano magawa ang Harith unli dash sa early game sa Mobile Legends

Mainam rin i-execute ang Lunox combo habang kayo ay nagpu-push, lalo na kapag may kasamang Lord. Magiging abala kasi ang mga kalaban sa pag-clear ng minion waves at Lord, dahilan para magkaroon ka ng pagkakataon na bitawan ang iyong combo.

Maganda kung mayroon ka nang sapat na core items para tumaas ang tsansa na makapaslang ka ng mga kalabang hero kapag ginawa mo ito. Ilan sa mga item na swak kay Lunox ay ang Enchanted Talisman, Lightning Truncheon, at Holy Crystal.

Magdomina sa jungle Barats gamit ang emblem set at 3 core items na ‘to sa Mobile Legends

Tandaan na ang Lunox combo ay nangangailangan ng mabilis na koordinasyon ng iyong mga daliri, at mahusay na pagsusuri ng sitwasyon sa laro. Kaya marapat lang na i-practice muna ito sa Classic o AI mode bago sumalang sa Ranked games.

BASAHIN: Epektibong emblem set at 3 core items para sa Roger gold lane, base kay ONIC Kelra