Hatid sa inyo kasama ang Samsung.

Namamayagpag ang Roger gold lane sa kasalukuyang meta ng Mobile Legends: Bang Bang, hindi lang sa ranked games kundi maging sa professional scene.

Patunay dito ang malahalimaw na performance ni star gold laner Duane “Kelra” Pillas ng ONIC Philippines gamit ang naturang hero laban sa ECHO noong ikaapat na linggo ng Mobile Legends Professional League Philippines (MPL PH) Season 13.

I-master ang 3 Roger combos na ito para dominahin ang kalaban sa Mobile Legends

Tumikada si Kelra ng 4/1/4 kill-death-assist record, 89% kill participation, at 707 GPM sa 13-minute win upang maselyo ng Sonics ang 2-0 upset kontra Orcas at sunggaban ang No. 1 spot sa standings.

Sa ONE Esports guide na ito, hihimayin natin ang emblem set na ginamit ni Kelra, pati na rin ang core items na binuo niya para magdomina gamit ang Roger gold lane.

Emblem set para sa Roger gold lane sa Mobile Legends

Emblem set para sa Roger gold lane sa Mobile Legends
Credit: ONE Esports

Pinili ng tinaguriang “Gold Standard” ang Assassin emblem, na nagbibigay ng adaptive penetration, adaptive attack, at movement speed. Malaki ang epekto ng nasabing attributes sa potensyal ng isang Roger na maghabol ng mga kalaban sa kanyang human o wolf form.

Para sa mga standard talent, kinuha niya sa unang tier ang Thrill, na nagkakaloob ng karagdagang adaptive attack, at sa second tier naman ay Master Assassin, na nagpapalakas ng damage kontra sa nag-iisang kalaban.

Wasak ang kalaban kay Nolan kapag nabuo ang 3 best items na ito

Solido ang mga talent na ito partikular na sa laning phase, kung saan sa halos lahat ng oras ay 1v1 ang tapatan. Napapalakas ng mga ito ang iyong poking damage sa kalaban, dahilan para ma-pressure siyang dumikit sa kanyang tore at madehado sa farm.

Pagdating naman sa core talent, pinili ni Kelra ang Quantum Charge, na nagbibigay ng HP at movement speed kapag nakaka-damage ng kalaban gamit ang basic attack kada ilang segundo. Dahil diyan, napapataas nito ang chase potential mo pati na rin iyong sustain sa mga clash.

Core items para sa Roger gold lane sa Mobile Legends

Windtalker

Windtalker, isa sa mga core item para sa Roger gold lane sa Mobile Legends
Credit: ONE Esports

Sakto ang Windtalker bilang unang core item para sa isang Roger gold lane, kaya naman ito ang inuna ni Kelra. Ang item na ito ay may adisyunal na attack speed, critical hit chance, at movement speed.

Nagtataglay din ito ng unique passive na tinatawag na Typhoon. Binibigyan ka nito ng kakayahan na magpakawala ng magic damage sa hanggang tatlong kalaban, na maaaring mag-crit at doble ang epekto sa mga minion.

Paano gawin ang Immortality-Winter Truncheon combo sa Mobile Legends

Dulot nito, madali mong makiki-clear ang minion waves at mabilis na makakaipon ng gold na pambili ng iyong mga susunod na item.

Endless Battle

Endless Battle, isa sa mga core item para sa Roger gold lane sa Mobile Legends
Credit: ONE Esports

Sunod sa listahan ang Endless Battle, na nagkakaloob ng karagdagang physical attack, HP, cooldown reduction, hybrid lifesteal, movement speed at mana regeneration.

Flat stats pa lang ay sulit na para sa isang Roger gold lane, lalo na ang movement speed maging ang mana regen, dahil malakas kumonsumo ng mana ang naturang marksman-fighter hero.

I-unlock ang totoong potensyal ni Bruno gamit ang 3 core items na ito

Pero ang mga unique passive ng Endless Battle ang talagang makakapagbigay ng kalamangan sa iyo.

Una na riyan ang Divine Justice, na binibigyan ng true damage ang iyong basic attack ilang segundo matapos gumamit ng skill. Napapalakas nito ang iyong damage output, dahilan para mas madali kang makakapitas ng mga kalaban.

Ano ang Smart Targeting sa Mobile Legends at paano ito gamitin

Pangalawa ang Chase Fate, na nagkakaloob ng karagdagang movement speed kapag na-trigger ang Divine Justice. Isa na naman itong abilidad na makakatulong sa’yo upang mabilis na mahabol ang iyong target.

Blade of Despair

Blade of Despair, isa sa mga core item para sa Roger gold lane sa Mobile Legends
Credit: ONE Esports

At dahil mayroon ka nang sapat na utility mula sa Windtalker at Endless Battle, oras na para mamuhunan sa physical attack. At dahil diyan, hindi nakakapagtagakang Blade of Despair ang ikatlong item na kinuha ni Kelra.

Taglay ng BoD ang pinakamalaking physical attack sa lahat ng mga item sa MLBB, kasama pa ang ilang porsyento ng karagdagang movement speed.

Piliin ang 3 best heroes na ito pangontra kay Cici sa Mobile Legends

Bukod pa sa mga iyan, ang unique passive nito na Despair ay nagkakaloob ng malaking porsyento ng adisyunal na physical attack kapag umaatake ng mga kalaban na bawas na sa kalahati ang buhay.

Bilang gold laner ng koponan, inaasahan kang magbitaw ng pamatay na damage at pulbusin ang mga katunggaling hero sa mga clash, kaya naman mahalaga ang BoD para magampanan mo ang trabahong ito.

Athena’s Shield o Radiant Armor? Alamin kung ano ang dapat bilhin

Kung maraming physical defense items ang kalabang koponan, maaari mong unahin o ipalit ang Malefic Roar sa Blade of Despair dahil sa pangunahing epekto nito na physical penetration.

Hindi na nagawang makumpleto ni Kelra ang kanyang items dahil maagang natapos ang kanilang laro kontra ECHO.

Ngunit kung sa iyong sitwasyon ay may natitira ka pang mga slot, mainam na bumili ng mga item na pangdepensa upang mapataas ang iyong survivability partikular na sa late game. Ilan sa mga pwede mong pagpilian ang Immortality, Wind of Nature, Athena’s Shield, at Rose Gold Meteor.

BASAHIN: Paano magawa ang Harith unli dash sa early game sa Mobile Legends