Malakas ang naging ugong ng mga balitang nakapalibot sa mga rosters changes ng mga kupunang sasabak para sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League – Philippines Season 8 (MPL PH S8).
Pasabog ang mga lineup changes at player pickups na nasaksaksihan natin ngayong offseason, kabilang na ang mga sorpresang pakikipagtambalan ng malalaking local at international brands sa mga kupunan para tangkaing iuwi ang korona ngayong season.
Sa likod nito, matahimik ang nagaganap na pagbabago sa coaching staff ng ng mga lalahok na teams, tampok ang pagpasok at paglisan ng mga MPL team analysts para sa bawat kupunan.
Pinakauna si Midnight sa listahan ng mga nakuhang MPL team analysts

Nauna nang ibinalita ang pagsanib ng dating MPL analyst na si Neil “Midnight” De Guzman sa preskong Nexplay EVOS team. Susubukan ni Midnight na baguhin ang kapalaran ng fan-favorite na kupunan kasama si John Michael “Zico” Dizon na bago rin sa kaniyang head coaching position.
Aniya, tadhana ang nagbaling sa kaniya papunta sa puder ng NXPE. “There were other names that wanted to work with me and approached me before hand. Fate just decided that NXP was the next home for the “neck pillow,” sabi ng esports personality sa isang panayam kasama ang ONE Esports Philippines.
Ngayong isa na siya sa mga listahan ng MPL team analysts para ngayong season, masasamantala kaya ng NXPE ang mala-Nostradamus na prediction ni Midnight? Abangan.
Wolf at Leo, binitawan na ang pagiging MPL team analysts
Dahil sa bagong alituntunin ng liga kung saan hindi na maaaring maging affiliate ang MPL talents ng mga kupunang kasali sa torneyo, nilisan na nina Caisam Yvez “Wolf” Nopueto at Dan “Leo” Cubangay ang dati nilang mga poste bilang MPL team analysts.

Utak sa likod ng drafting at strategy ng ONIC Philippines si Wolf na kinuha ng kupunan sa gitna ng kanilang Season 6 struggle. Hindi lamang tinulungan ng bantog na analyst na malampasan ang losing streak, nagtapos din ang season na 4th place ang ONIC. Kaya naman hindi kataka-taka na kinuha nila muli ang serbisyo ni Wolf para sa Season 7.
Ngayong lilisanin na niya ang kaniyang parte sa team, binanggit ni Wolf na malaki ang naitulong ng ONIC PH sa kaniyang attitude bilang caster. “Nagkaroon ako ng mas malawak na understanding at empathy sa mga players at mga orgs kaya feeling ko mas magiging okay at understanding ako na caster dahil sa kanila.” ani ng MPL talent.
Gayundin ang laki ng ginampanan ni Leo sa MPL PH Season 7 super rookies na Work Auster Force. Susi ang in-game knowledge ng sikat na caster sa pasabog ng WAF noong nakaraang season na nagawa pa ngang lumusot papuntang postseason.

Kinulang man kontra sa buong lakas ng M2 World Champions Bren Esports sa playoffs, ipinakita ng dating kupunan ni Leo ang kakaibang tapang at husay na hindi tipikal sa mga teams na una pa lamang sasabak sa MPL.
Naghahanap ang Echo ng bagong miyembro ng kanilang coaching staff

Aktibong naghahanap ngayon ang ECHO ng MLBB coach o team analyst na tutulong sa kanila para sa mainit na MPL PH. Ito ay ayon sa isang Facebook post ng ECHO MPL head coach na si Michael “Arcadia” Bocado na nanawagan sa social media platform para sa mga nais magpasa ng application.
Inaasahang makakasama ng mapipiling aplikante ang MPL team coach na si Steven “Dale” Vitug na gagabay sa kaka-rebrand pa lamang na kupunan.
BASAHIN: Full roster ng mga kupunang sasabak para sa MPL ID S8