Ang ONE Esports, isang subsidiary ng Group ONE Holdings (ONE), kasama ang MOONTON Games, ang magiging host ng Mobile Legends Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022) para sa ikatlong taon. Ang online tournament ay gaganapin mula November 2 hanggang 6 at mapapanood nang live sa Facebook, TikTok, Twitch, Twitter, at YouTube channel ng ONE Esports. Ang event ay mai-stream sa wikang Bahasa Indonesia, Bahasa Melayu, English, Tagalog, at Khmer.

Ang mga pinakamahuhusay na Mobile Legends: Bang Bang teams mula sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) sa Southeast Asia ang mga magiging kalahok ng inaabangang event na ito. Ang 20 teams ay maglalaban-laban sa isang single-elimination bracket para sa $100,000 USD prize pool.

Narito ang 20 teams na lalaban sa MPLI 2022:

CountryTeam Name
CambodiaBurn x Flash
IndonesiaAlter Ego Esports
AURA Fire
Bigetron Alpha
EVOS Legends
Geek Fam
ONIC Esports
Rebellion Zion
RRQ Hoshi
MalaysiaTeam HAQ
Todak
Orange Esports
PhilippinesBlacklist International
Bren Esports
Echo
ONIC Philippines
RSG Philippines
Smart Omega
SingaporeRSG SG
Slate Esports

Ang MPLI 2022 ay katatampukan ng isang kakaibang Captain’s Draft format antutukoy sa first-round bracket. Ang apat na MPL champions mula sa Indonesia, Malaysia, Philippines, at Singapore ay aabante na sa quarterfinals, hahatiin sa apat na groups, at pipili ng kanilang mga makakalaban sa pamamagitan ng pag-draft ng mga teams sa kanilang mga brackets. Ang pagkakasunod-sunod ng draft ay matutukoy sa isang lottery-style draw. Kapag natukoy na ang pagkakasunod-sunod, ang Captain’s Draft ay magpapatuloy sa isang snake format (i.e. 1, 2, 3, 4, 4, 3, 2, 1) hanggang sa ang lahat nang teams ay mapili na.

Ang Captain’s Draft ay gaganapin sa October 28, ganap na 7PM (GMT+8) at mai-stream sa wikang English sa Facebook, TikTok, Twitch, Twitter, at YouTube channel ng ONE Esports. Ang draft ay iho-host ng sikat na Indonesian streamer na si Aeterna, at ng MPL shoutcaster na si Mirko, na nanalong Best Junior Caster noong MPL ID S7.

Ang MPLI 2022 ay magsisimula sa November 2, 1PM (GMT+8). Ang finals ay gaganapin sa November 6, 1PM (GMT+8).

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.