Nakakasa nang gumulong ang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup (MSC 2022) sa Kuala Lumpur, Malaysia ngayong June 11 hanggang June 19 kung saan magbabakbakan ang 12 sa pinakamagagaling na koponan sa Southeast Asian region.

Paglalabanan ng mga koponan ang tumataginting na USD 300,000 o humigit-kumulang PhP 15 Million prize pool sa torneo na unang beses gaganapin sa Malaysia. Nagmamarka rin ito ng pagbabalik ng offline LAN competition matapos pagulungin online noong nakaraang taon.


Listahan ng mga koponan na lalahok sa MSC 2022

Katatampukan ng 12 na pinakamalalakas na teams sa rehiyon ang MSC 2022, kung saan unang beses magkakaroon ng kinatawan ang bansang Myanmar sa nasabing patimpalak.

BansaKwalipikadong kinatawan
Indonesia S9 Champion S9 Runner-up 
Philippines S9 Champion S9 Runner-up 
Malaysia* S9 Champion S9 Runner-up 
Singapore S3 Champion S3 Runner-up 
Cambodia 2022 Spring Split Champion 2022 Spring Split Champion Runner-up 
Myanmar Champion (galing sa qualifying tournament) 
Laos Vietnam Thailand Champion (galing sa qualifying tournament tampok ang tatlong bansa)** 

Simula noong una itong pagulungin noong 2017, ang MSC 2022 ay ginaganap pa lamang sa Jakarta (Indonesia) at Manila (Philippines). Ipagpapatuloy ng organizers ng patimapalak ang kanilang layunin na ibida ang husay ng MLBB teams sa SEA, sa pagkakataong ito ay sa Kuala Lumpur.

Noong 2021 kung saan nagtagpo ang landas ng dalawa sa pinakamagagaling na teams sa Pilipinas na Execration at Blacklist International, nakaselyo ang torneo ng peak-concurrent viewership na 2,284.012 kaagapay ng 32,711,776 hours watched ayon sa datos ng Esports Charts.

Credit: ONE Esports PH

Dapat antabayanan ng fans ang paparating na group draw sa May 29 kung saan ihahayag ang mas maraming detalye tulad ng group stage format.

Tutukan ang mga updates tungkol sa MSC 2022 sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Kelra, Execration, hari ng MSC 2021