Ang Mobile Legends: Bang Bang Southeast Asia Cup 2022 (MSC 2022) ang isa sa mga pinakamalaking MLBB tournament at kasalukuyan itong ginaganap sa Malaysia. Pero ano nga ba ang dahilan kung bakit napili ng Moonton na ganapin ang tournament sa bansang ito?

Isa ang Malaysia sa mga bansang may pinakamalaking bilang ng MLBB players at communities sa Southeast Asia at sa buong mundo. Ito rin ang tahanan ng maraming talentadong players kung kaya’t mataas ang respeto sa bansang ito pagdating sa international competitive scene ng MLBB.

Subalit hindi pa rin nagagawang makakuha ng titulo ng mga Malaysian representatives sa mga official MLBB international events. Tila nahihirapan sila sa tuwing nakakaharap nila ang mga kinatawan ng Indonesia at Pilipinas na kilalang mahuhusay sa esports game na ito.

Navi Todak M3
Credit: Moonton

Sa kabila ng kakulangan sa achievements na naiuwi ng mga Malaysian representatives sa mga nakaraang MLBB international events, sila pa rin ang pinagkatiwalaang mag-host ng MSC 2022. Sa madaling salita, hindi titulo ang naging dahilan ng Moonton upang piliin ang basing ito bilang host.

Matatandaan na Malaysia rin ang naging venue para sa M1 World Championship, kung saan naging kampeon ang EVOS Legends ng Indonesia.

MSC 2022 muling pasasabikin ang mga fans at communities ng Malaysia

Fikri Rizal Mahruddin and Hao Zhen Siew MPL Malaysia MSC 2022
Credit: ONE Esports ID

Sa isang press conference kasama sina MPL MY Marketing and Business Development Lead na si Fikri Rizal Mahruddin at MPL MY Esports Lead na si Hao Zhen Siew, sinubukang alamin ng ONE Esports ang dahilan kung bakit Malaysia ang napiling host ng tournament para sa taong ito.

Nabuo ang desisyon na ito dahil sa pagiging handa ng organizing team sa Malaysia. Dagdag pa dito, layunin din sa pagpili ang muling buhayin ang matinding passion ng mga MLBB fans at communities dito.

“For a long time, Malaysia has never held an international esports offline tournament. Fans and the esports community are one of the main reasons for us why we present MSC 2022 in Malaysia,” sabi ni Fikri Rizal, Marketing and Business Development Lead ng MPL MY.

“When it comes to deciding to choose Malaysia as the host of MSC 2022, of course there are many things to consider, especially in terms of SOPs (standard operating procedures). So all of that is the basis for us to choose Malaysia as the venue for the MSC this time,” sabi niya.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.