Nais ng EVOS Legends coach na si Bjorn “Zeys” Ong na Manalo ng isa pang Mobile Legends: Bang Bang championship, pero hindi para sa EVOS Legends sa pagkakataong ito.

Sinabi ni Zeys, ang nagdala sa EVOS Legends sa kanilang championship run sa MPL ID Season 7 laban sa Bigetron Alpha, sa isang interview sa ONE Esports na nais nyang i-train ang MLBB team ng Indonesia para sa 31st Southeast Asian Games (SEA Games) na gaganapin ngayong taon.

“I was pessimistic at first until I discovered that a foreigner could coach the national team,” sabi nya.

Ang mga achievements ni Zeys sa EVOS Legends

Sa kabilala ng pagiging Singaporean, walang dudang si Zeys ang coach na may pinakamaraming nakamit sa Indonesian MLBB scene.

Siya ang dahilan ng pagkapanalo ng kanilang team sa mga malalaking tournaments kabilang na ang MPL ID Seasons 4 at 7 at pati na rin ang kauna-unahang M1 World Championship na ginanap sa Malaysia.

MobileLegends MPL ID S7 GrandFinal EVOS Legends Trophy
Credit: ONE Esports ID

Siya ang naging coach ng EVOS Legends mula pa noong season 3 na nakakuha ng malaking following dahil sa kanya husay sa pagiging coach.

Sinabi rin niya na pinaplano nyang mag-retire kasama ang White Tigers pagkatapos ng M3 World Championship.


Mga detalye para sa SEA Games ngayong taon

Kabilang sa 2021 SEA Games ang mga iba’t ibang esports titles tulad ng Mobile Legends: Bang Bang, League of Legends: Wild Rift, Arena of Valor, Dota 2, at marami pang iba.

Vietnam ang magiging host ng SEA Games para sa taong ito at pormal na magsisimula sa November 21 sa Hanoi.