Katatapos lamang ng Week 2 ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 8 (MPL ID Season 8) at maagang nagpasabog ang mga teams sa kani-kanilang mga unique strategies.

Isa sa mga nagpasiklab sa first week ng torneyo ay si Branz ng Bigetron Alpha na nagpakitang-gilas sa kaniyang Natan na may Support Emblem.

Pinataob ni Branz ang Rebellion Genflix gamit ang Natan na may Support Emblem

Screenshot ni Jules Elona/ONE Esports

Sa unang serye ng MPL ID Season 8, nasaksihan ng mga fans ang kaabang-abang na matchup ng Bigetron Alpha at ang pinakabagong team sa liga na Rebellion Genflix.

Umaatikabo ang bakbakang ito na humaba pa nga ng tatlong laro. Sa puntong iyon din isinalang ni Branz ang kaniyang Natan kontra sa malakas na opensa ng linuep ng Rebellion Genflix tampok ang BalmondGranger, at Selena

Napansin agad ng mga casters na bitbit ng Natan ni Branz ang Focusing Mark emblem na may allocated points para sa Hybrid Penetration na nagpataka sa mga miron.

Gayunpaman, naging matagumpay ang Bigetron sa pagsarado ng serye kung saan binalagbag ng MPL-ID S7 runner ups ang kalaban sa pangunguna ni Branz hawak ang kaniyang Natan na may Support Emblem.

Bukod-tangi din ang item build ng jungler sa Natan na binuuan niya ng Arcane Boots, Hunter Strike, Blade of Despair, Endless Battle at Genius Wand.


Natan Support Emblem? Puwedeng-puwede ayon kay Branz

Credit: Moonton

Banggit ni Branz, oras nalang ang bibilangin para hiranging ang Spacetime Walker bilang pinakamalakas na marksman sa Mobile Legends meta ngayon.

“He is a marksman who deals a ton of damage during team fights. He fits in various roles, not only as a jungler, but in the mid lane and gold lane too,” ani niya.

Paliwanag pa ng core player, napakaganda raw ng support emblem sa Natan dahil sa hybrid penetration na mas masakit kumpara sa assassin o marskamn emblem.

“I was actually inspired by the support emblem when scrimming against Malaysian teams, where they used the gold support emblem. In my opinion, it is less effective when in the jungle, so I went with the support emblem instead,” dagdag ni Branz.

He also shed light on why he built a mix of magic penetration and physical damage items in the match. he concluded.

Nilinaw din niya kung bakit magkahalong magic penetration at physical damage items ang binuo niya sa labang iyon. “Building him hybrid is also viable with magic penetration with Arcane Boots and Genius Wand, while the rest is physical damage,” banggit ng jungler.

Item Build ni Bigetron Branz sa kaniyang Natan na may support emblem

  • Arcane Boots
  • Hunter Strike
  • Blade of Despair
  • Endless Battle
  • Genius Wand.

Maaaring mapanood ang replay ng labang ito dito:

https://youtu.be/pmVeUWaMWp8

Huwag magpahuli sa mga updates sa MPL-ID Season 8 sa pamamagitan ng pag-follow sa kanilang official Facebook page.

Pagsasalin ito sa istorya ni Jules Elona ng One Esports: Bigetron’s Branz proves that support emblem Natan is viable | ONE Esports