Masindak na kayo sa Nexplay Evos dahil uhaw na uhaw na sila manalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Season 8.

Ang paghahanda ng Nexplay EVOS para sa MPL s8

Nexplay EVOS Logo
Credit: Nexplay EVOS

Matindi ang pagensayo ng Nexplay EVOS sa kanilang pagsabak sa Playoffs, at sabi ng coach nila na si ni Joh Michael “Zico” Dizon, hindi sila titigil sa kanilang grind hangga’t makapasok sila sa Finals.

Maghaharap ang Nexplay EVOS at RSG Esports ngayong Huwebes, October 21, para sa unang araw ng Playoffs ng MPL S8.

“Normal training pa rin naman like how we practice during regular season but now focused talaga lahat since RSG lang talaga need paghandaan and we have data from our previous matches,” sabi ni Coach Zico.

Sabi naman ng NXPE analyst na si Neil “Midnight” De Guzman, pinagaaralan nila ng maigi ang gameplay ng RSG dahil nakikita nila ito bilang mabangis na kalaban.

“Against RSG maraming research talaga and theorycrafting pero syempre may mga tinatago din sila so pinopolish lang talaga namin laro ng players for now,” sabi ni Midnight.

Natalo ng NXPE ang RSG ng dalawang beses sa regular season, ngunit giit nila, hindi sila magiging kampante sa laro.

“Never kami nakampante kahit sino kalaban because we like to prove to all the teams na threat kami sa kanila if ever makalaban nila kami,” ani ni Coach Zico.

“Actually never kaming nakampante sa RSG. Sila yung team na kahit di ka natatalo nakakatakot parin kalaban kasi alam mong any given time pwede naman mabaliktad yung result. Sobrang laking threat talaga ng RSG samin kaya talagang inaayos namin yung mindset ng team na rumespeto sa kanila,” dagdag ni Midnight.

Itinanggi din ng NXPE na sila ay momentum-based, at hindi sila mawawalan ng pag-asa o magiging kampante sa tuwing nanalo o natatalo man sila.

“We are not momentum based kasi when we win or lose a game, reset. Wag mawawalan ng pag-asa or wag makakampante hanggat di tapos ang series,” giit ni Coach Zico.

Ibinahagi naman ni Coach Zico na excited at masaya ang buong team sa kanilang pagpasok sa Playoffs, at iniiwasan nila na makaramdam ng pressure para ma-enjoy nila ang laro. 

Ano naman kaya ang maasahan ng mga ML fans sa kanilang match laban ang RSG? 

“Expect lang siguro ng mga tao yung magandang laban, hindi magiging madali para samin ‘tong match na to kasi for me personally sobrang hirap kalaban ng rsg because lahat ng players disiplinado,” sabi ni Coach Zico.