Nakatakda na ang paghaharap ng Nexplay EVOS (NXPE) at Rebellion Genflix (RBG) sa ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational (MPLI) 2021.
Ang isa sa pinakapopular na koponan sa MPL PH na NXPE ay kakaharapin ang RBG ng Indonesia sa unang round ng kanilang bracket sa November 3, 8:45 p. m. GMT+8.
Ang Nexplay EVOS ay ang rebranded team na nabuo sa pagsasanib-pwersa ng Nexplay Esports at EVOS Esports ng Indonesia. Samantalang ang Rebellion Genflix naman ay isang bagong team nagsimula sa MPL ID Season 8 nitong taong kasalukuyan.
Standings ng NXPE at RBG sa kanilang mga liga
Hindi makakaila na maganda ang ipinakita ng NXPE sa regular season ng MPL PH Season 8. Nagtapos sila sa regular season sa ikatlong pwesto na may 7-7 record habang nakaabot naman sila sa ikaapat na pwesto sa playoffs.
Kapansin-pansin ang malaking ikinaganda ng performance ng NXPE kump[ara sa mga nakaraang seasons ng MPL PH at ngayon ay mabibigyan sila ng pagkakataon na ipakita ito sa isang international tournament tulad ng MPLI 2021.

Bilang isa sa mga bagong teams ng MPL ID na nagsimula lamnag nitong nagdaang season, tila pinakikiramdaman pa ng RBG ang timpla ng liga. Kung pagbabasehan ang kanilang 1-13 standings sa regular season, masasabing hindi pa nailalabas ng RBG ang kanilang totoong husay.
Mabigat ang pinagdaanan ng RBG sa Season 8 ng MPL ID, ngunit tiyak na marami silang natutunan mula sa pinakamagagaling na koponan ng isa sa pinakamalakas na rehiyon ng MPL. At ito ang magiging baon nila sa pagsabak sa kanilang unang pagsubok sa MPLI 2021 laban sa NXPE.

Mapapanood ang mga MPLI 2021 matches live sa opisyal na Facebook page ng ONE Esports Philippines.