Pinatunayan ng Blacklist International na wala pa rin talagang makakatibag sa kanilang “UBE” (ultimate bonding experience) strategy at mas masarap ito kaysa sa “banana split” ng Onic Philippines.

Ito’y matapos palasapin ng Blacklist ang Onic ng kanilang pangawalang sunod na talo sa iskor na 2-1 at tuluyang sunggaban ang solo top spot sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League (MPL) Philippines Season 8, Linggo ng gabi.

Ang pasaring ni Oheb sa Onic

Sa post-match interview, tila may pasaring si Blacklist gold laner Kiel “Oheb” Soriano sa Onic dahil sa pagtanggap nila sa hamon.

“Challenge accepted daw ‘yung UBE strat… May pride talaga sila. Pinandigan nila ‘yung challenge accepted sa UBE strat ayun natikman nila kung gaano kasarap ‘yung UBE strat namin,” ani ni Oheb na solido ang performance sa kanyang Alice at Harith sa serye.


UBE ng Blacklist International vs Banana Split ng Onic

UBE Strat OHEB
Credit: Blacklist International

Matatandaan na sa isang MPL post-match interview noong nakaraang linggo, may hamon si Blacklist coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza na kung talagang nakokontra na ang kanilang UBE, iiwan ng kalaban na open ang championship Estes ni captain-support Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna sa drafting phase.

Nasabi rin ni Onic tank Ian “Beemo” Sergio sa isang nakaraang post-match interview na “siguro kaya naman po (namin) sumabay sa Blacklist kasi ‘yung playstyle po namin parang anti-UBE strat.”

At tila kinagat nga ng Onic ang hamon ng Blacklist dahil hinayaan nilang makuha ni OhMyV33nus ang Moon Elf King nang hindi lang isang beses kundi sa lahat ng tatlong laro ng serye.

Naipanalo ng Onic ang Game 1 sa pamamagitan ng isang malupit na comeback na naging posible dahil sa matinik na misdirection play ni Gerald “Dlarskie” Trinchera sa kanyang Paquito.

Ngunit sinigurado na ng Blacklist ang mga dominanteng panalo sa Game 2 at 3 sa panguguna ng Estes ni OhMyV33nus at pagpapakitang-gilas sa Gold Lane ni Oheb.


BON CHAN, OhMyV33nus may mensahe rin

Nagpasalamat naman si coach BON CHAN kay Onic coach Denver “Yeb” Miranda sa pagtanggap ng hamon.

Kilala nyo si Sensui ha??? Wag nyo inaapi tropas namin ha.. ????Anyway, I just want to give credit to Coach Yeb for…

Posted by Bonn Ricaplaza on Sunday, September 12, 2021

Maging si OhMyV33nus ay may maiksing Facebook status tungkol sa naganap na laban.

Anti Estes? GGWP to Onic PH ????#BreakTheCode#ProtectTheCrown

Posted by Ohmyv33nus on Sunday, September 12, 2021

Maaari niyong makita ang schedule at mga resulta sa MPL Philippines Season 8 dito sa ONE Esports Philippines. Mapapanood ang mga laban sa Facebook at YouTube channel ng liga.

BASAHIN: Kelra: ‘Hindi pa yun yung tunay kong laro’