Hindi madali maging isang pro player lalo na kung lumalaban ka sa isa sa pinakamalaking liga sa bansa tulad ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines Season 8 (MPL PH Season 8).

Ibinahagi ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna ng Blacklist International, isang bihasang player sa esports scene, ang kanyang pananaw sa kung ano nga ba ang kinakailangan ng upang maging isang matagumpay na pro player.

Ang kahulugan ng pagiging isang MPL PH Season 8 pro player ayon kay OhMyV33nus

MLBB MPL PH S7 Blacklist International Wise OhMyV33NUS
Credit: Tammy David/Evident

Sa ikatlong episode ng Legacies kung saan nagkwento ang team captain ng Blacklist International tungkol sa kanyang Mobile Legends professional career, ibinahagi ni OhMyV33nus ang mga katangian na pinaniniwalaan nyang bumubuo sa isang pro player.

“Unang-una, hindi pwedeng mawala yung attitude over skill,” sabi ni OhMyV33nus. “Sa kahit anong organization ka ampunta, sobrang importante talaga na [mas] better yung attitude mo over your skills.”

Binanggit din nya kung paanong ang ibang players ay naliligaw sa kanilang careers dahil sa kanilang pag-uugali.

“Sobrang dami ko nang nabalitaan na pro player na kahit gaano sila kagagaling [tapos] bigla silang nag-attitude, naligwak talaga sila. So matuto na tayo dun,” sabi nya.

Tinapos ng Blacklist International ang MPL PH Season 8 regular season nang may 13-1 record, na nagdala sa kanila sa upper bracket ng playoffs.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.